Chapter 8: Trapped

11 0 0
                                    

2 weeks later~

Jamie's POV

Two weeks na ang nakakalipas after nung nangyari kay Cream. Salamat naman at naging okay na siya. We're so glad na hindi lang ang health ni Cream ang naging okay kundi pati ang samahan nila ni Storm. I never taught that Storm and Cream will be okay. In fact, they are more than okay. Nangangamoy panibagong love team na naman. Haay... Love is really in the air.

Nakatambay lang ako dito sa may rooftop habang tinitingnan ang buong university. Kitang-kita ko ang mga tao dito sa taas.

Nakita kong naglalakad sila Cream sa may corridor. Hawak ni Storm ang mga libro ni Cream at nagtatawanan sila. Buti naman at hindi na puro bangayan ang inaatupag nitong dalawang ito. Nakita ko naman sila Zaniah at Mikko sa may garden habang may hawak si Mikko na bouquet of white roses. Nakasimagot si Zaniah pero kitang-kita ko na pinipigilan niya ang kilig na nararamdaman niya habang binibigay sa kanya ni Mikko yung bouquet. Kahit hindi naman aminin ni Niah, alam namin na mahal na mahal niya si Mikko same din si Mikko. Buti naman at okay na din sila after nung away nila.

Tumingin naman ako sa dalawang taong nakaupo sa may field. Sila Ashley at Dale. Hindi ko alam kung ano ang namamagitan sa kanila pero nakikita ko naman na masaya si Ashley kapag kasama niya si Dale. Napansin ko naman na may tinititigan si Ashley sa may bandang basketball court kaya sinundan ko yun ng tingin at nakita ko si Kuya Dustin na may kalandiang ibang babae. Haay... Hindi pa rin siya nakaka-move on. Hinawakan ni Dale yung kamay ni Ash at may binulong sa kanya kaya naman ngumiti si Ash at umalis na sila. Pero nakita ko rin ang pag simangot ni Dustin nang nakita niya ang mga kamay nila Dale nang mapadaan sila Ash sa court.

Kahit talaga magmahal ka hinding-hindi mo maiiwasang masaktan. Napabuntong hininga na lang ako. Kahit ano talaga kaganda ang maramdaman mo sa love di tayo sigurado kung tuluyan na talaga tayong sasaya. Love is really complicated.

"Lalim ng iniisip mo ah." Nilingon ko yung taong biglang nagsalita at napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Bwisit talaga itong lalaking ito kahit kailan.

"Mind your own biz, Mister." Inirapan ko lang siya at tinalikuran. Akmang aalis na ako ng bigla niya akong harangin.

"Your my biz, Miss. Of course, I'm your fiancé after all." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at tinakpan ang bibig niya dahil baka may ibang makarinig sa kanya. Tumingin pa ako sa paligid dahil ayaw ko talagang may ibang makaalam ng sikreto ko. Pinanlakihan ko lang ng mata si Aziel bago ko siya bitawan.

"What? Hindi mo pa din sinasabi sa kanila?" I just gave him my what-do-you-think look. Humalakhak siya. Nababaliw na ba toh? Tumatawa na lang basta-basta.

"Malalaman din naman nila yun, Jamie. So why bother hide it? Ikakasal din tayo." Tinalikuran ko na siya at iniwan doon. Nakakainis siya. Pero mas nakakainis ang katotohanan na ikakasal ako sa isang katulad niya. Hindi ko alam kung anong ginawa kong masama sa past life ko at pinaparusahan ako ng ganito. Ayaw kong makasal sa kanya. Ngayon ngang hindi pa kami kasal eh bwisit na bwisit na ako sa kanya, paano pa kaya kung magkasama na kami sa iisang bubong at forever na akong nakatali sa kanya.

Oh! Let me enlighten you of what happened last year...

1 year ago...

Papunta ako ngayon sa study room ni Daddy dahil pinatawag niya ako. Hindi ko nga alam kung bakit. Ang sabi niya lang naman kasi sa akin ay may pag-uusapan daw kami na importante. Kinakabahan nga ako eh. I was about to knock at the door nang napansin ko na medyo nakaawang ito at may tatlong tao na kausap si Daddy.

Inayos ko muna ang sarili ko bago ako pumasok sa loob. Nakita ko din na andun din sa loob si Mommy. Ano kaya ang pag-uusapan namin?

"Ann, come in and sit with your mother." Nginitian ko si Daddy at umupo sa tabi ni Mommy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Lovely GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon