Tiffany's POV
Matagal ko nang napapansin na masyadong napapadalas ang pang-iinis ni Storm kay Cream. Nung una mukha namang simpleng bangayan lang ang nangyayari. Ang cute nga nilang tingnan eh. Pero hindi ko maintindihan kung bakit umabot pa sa ganito ang lahat.
Andito kami ngayon ni Storm sa kwarto kung saan naka-confine si Cream. Tahimik lang kaming dalawa. Walang may balak basagin ang katahimikan. Maraming katanungan ang nabubuo sa isipan ko. Una ko nang binasag ang katahimikan.
"Storm, can you do me a favor?" Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.
"Ano yun?" Sagot niya. Nakita ko ang pagtataka sa mga mata niya nang titigan ko siya.
"Bakit mo toh ginagawa kay Cream?" Ang pagtataka niya ay biglang napalitan ng pagkagulat. Umiwas siya ng tingin sa akin.
Matagal bago siya nakapagsalita ulit. It's like he's having an internal battle in his mind. Hinintay ko siya. Naniniwala naman kasi ako na mabait talaga si Storm.
"Tiffany kasi...."
~
Zaniah's POV
Letche talagang yung Storm na yun. Sumusobra na siya eh. Kung hindi namin naagapan agad si Cream baka... Ugh! Napasuntok ako sa isa sa mga puno dito sa may garden ng hospital. Alam kong may dugong umaagos sa kamay ko pero wala akong pakialam. Natigil ako sa pagsuntok nang may pumigil sa kamao ko na tumama sa puno.
"Niah, tama na yan. Okay na si Cream." Binawi ko ang kamay ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin. Isa pa itong g*g*ng ito.
"Ano bang pakialam mo sakin?!" Sigaw ko sa kanya bago ko siya tinalikuran at naglakad papunta sa parking lot. Bago pa man ako makalayo ay nahila niya na ako at kinulong sa mga bisig niya.
"May pakialam ako kasi girlfriend kita. Naiintindihan kita kung bakit hanggang ngayon galit ka pa rin sa akin pero pakinggan mo naman ako. Give me a chance to explain. Mahal na mahal kita, Niah. Ikaw lang naman eh." Argh! Bakit pagdating sa lalaki na 'toh eh ang hina-hina ko? Hindi ko magawang magalit sa kanya ng pangmatagalan. Hindi naman talaga ako nagalit sa kanya. Nasaktan, oo pero nagalit? Never. Naku! Ang corny ko na.
"Sige. Pagbibigyan kita pero kapag sinayang mo itong pagkakataon mo..." Humigpit ang yakap sa akin ni Mikko at hinalikan niya ng ilang ulit ang noo ko.
"Pangako. Maraming salamat, Niah!" Haay! Hindi ko talaga matiis itong lalaking ito.
~~~~~
Cream's POV
"Baby Cream?" I heard a voice calling me. This scene again. Lagi na lang ito ang napapaginipan ko. Nandito ako sa garden ng bahay namin.
"Dada, picture tayo. Look! I'm wearing my red headband." Lumapit naman sa akin si Dada. Kinuha ko yung phone ko. Marami sigurong naweweirduhan sa akin kasi 15 years old na ako pero kung mag-isip ako parang bata pa din.
"Dada, smile ka. Wacky naman!" Panay lang ang pose namin ni Dada. Daddy's girl ako at masyado akong spoiled kay Dada. Siya yung lagi kong kakulitan at kasama sa mga kalokohan ko. In other words, siya ang laging kumukonsinte sa akin.
"Cream, hayaan mo na ang daddy mo na magpahinga. Masyado pa siyang pagod dahil kakadating niya lang di ba?" Lumabas si Mommy dala-dala ang isang tray na mayroong nakalagay na snacks. Lumabas din na nakasunod sa kanya si Lilac, yung white persian cat ko na niregalo sa akin nila Mommy at Dada nung 14th birthday ko.
"Hon, hayaan mo na si Cream. Na-miss niya lang talaga ang super pogi niyang daddy." Nag-pogi sign pa si Dada. Si Mommy naman tinarayan lang siya. Nakakatawa talaga ang mga magulang ko.
"Saang banda naman dyan ang pogi? Hon naman andyan si Cream tapos nagsisinungaling ka pa." Pang-aasar ni Mommy kay Dada sabay halakhak. Nag-pout naman si Dada na parang bata tapos ngumiti na parang may masamang binabalak. Hinabol niya si Mommy tapos pinagkikiliti. Nakaka-miss din ang ganitong feeling. Yung feeling na buo kami. Nakatingin lang ako sa kanila.
'Asan na kaya si Lilac?' Lumingon-lingon ako sa paligid ko at nakita ko si Lilac na naglalakad malapit sa may gate.
"Lilac, come here." Imbis na lumapit sa akin si Lilac ay tumakbo ito palabas ng gate namin. Naku! Ang kulit talaga nitong pusang ito. Hinabol ko si Lilac hanggang makalabas ako ng gate.
"Lilac! Here, kitty!" Nakita ko siya na dinidilaan niya ang sarili niya sa gitna ng kalsada. Humiga pa siya doon. Napakatamad talaga nitong pusa na ito kaya ang taba-taba eh. Lumapit ako sa kanya at kinarga siya. Pero sadyang napakabilis ng pangyayari. Hindi ko napansin ang kotse na paparating. Bumusina ito kaya napalingon ako doon. Para akong napako sa kinatatayuan ko at hindi ako makagalaw dahil sa gulat at takot. Pinikit ko na lang ang mga mata ko dahil alam kong katapusan ko na.
Naramdaman ko na lang ang pagtumba ko sa damuhan. Malakas ang pagkakabagsak ko pero wala nang mas sasakit pa sa nangyari sa tapng pinakamamahal ko. Imbis na ako ang mabangga ng kotse, si Dada ang nabangga. Itinulak niya ako. Iyak lang ako ng iyak habang nilapitan ko si Dada na punong-puno ng dugo. Lumapit din si Mommy kay Dada.
"JARED?! JARED GUMISING KA!!! WAG MO NAMAN KAMING IWAN NG ANAK MO!!" Kahit anong sigaw ni Mommy hindi na gumising si Dada. Wala na. Patay na si Dada.
Nagising ako na hingal na hingal. Napabangon ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko kaya napahawak ako sa dibdib ko. Tulo pa rin ng tulo ang mga luha ko. Napaginipan ko na naman si Dada. Pinikit ko ang mga mata ko. Naramdaman ko na may yumakap sa akin ng mahigpit habang hinahagod niya ang likod ko.
"Shh. Wag kang mag-alala, Cream. Andito lang ako." Kilala ko kung sino ang magmamay-ari ng boses na iyon. Idinilat ko ang mga mata ko at tinitigan siya. Nagtataka ako kung bakit siya ang nandito sa tabi ko. He's the last person I've expected to comfort me. Nagkibit-balikat na lang ako. Basta ang alam ko safe ako habang nasa tabi ko siya.
"Salamat, Storm."
Storm's POV
Kakadating ko lang dito sa hospital room ni Cream para bantayan siya. Pinauwi ko na din si Tiffany dahil alam kong magdamag siyang nagbantay kay Cream. Inaayos ko sa mesa ang mga pinamili kong prutas at bulaklak para kay Cream nang may narinig akong mga hikbi. Nilingon ko agad si Cream dahil kami lang namang dalawa ang nandito. Nagulat ako nang nakita ko na umiiyak si Cream habang sinasabi ang mga katagang 'Don't leave me' nang paulit-ulit.
Nilapitan ko siya at niyakap ng mahigpit para maparamdam sa kanya na andito lang ako at hinding-hindi ko siya iiwan.
"Shh. Wag kang mag-alala, Cream. Andito lang ako." Hindi ko alam kung bakit bigla yun lumabas sa bibig ko. Pero, one thing's for sure. Gusto kong pasayahin itong babaeng yakap-yakap ko. Pagkatapos namin mag-usap ni Tiffany kahapon ay pinangako ko na sa sarili ko na babawi ako kay Cream.
-----------
*end of Chapter 7*
BINABASA MO ANG
My Lovely Girl
Teen FictionThe Lovely Girls are not your ordinary girls. Many liked them because of their uniqueness, beauty, talent, brains, and popularity. But what if all of these is the reason why they are escaping the danger ahead. Will they keep escaping or face it with...