Chapter 3: The Fashionista

17 0 0
                                    

Blair's POV

KRRRIIIINNNGGGGG!!!!

Dali-dali akong lumabas ng classroom. Narinig ko na tinawag ako nila Raia at Xia. I just need to get out of there. I just need to get away from him. Diridiretso lang ako sa paglalakad hanggang sa makapunta ako sa isang puno na malapit sa football field. Umupo ako sa may lilim ng puno at pumikit.

Bakit ang unfair ng mundo? Bakit kailangan ko pa siyang makasama sa iisang room? Sa dinami-dami ba naman ng mga section, bakit nagkasama kami?

**FLASHBACK**

"Hello! I'm Blair Ashley Montana. It's nice to--" naputol ang sasabihin ko nang may pumasok na lalaking nagmamadali.

"Sorry, I'm la--" His gaze met mine. Fate is really playing with me.

"Mr. Kim, why are you late?" Hindi niya pa rin iniiwas ang tingin niya sa akin kaya ako na ang umiwas.

"I-I..." Bakit siya nag-sstutter?? Kinakabahan ba siya sa akin? No. He can't be. Hindi na ako mag-aassume.

"Lunch detention!!" Sigaw ng teacher sa kanya. Para naman iyong pangpatigil sa spell ng staring contest namin.

"Whatever." Sabi niya sabay upo sa upuan niya.

**END OF FLASHBACK**

Bakit ganun siya umakto kanina? Nakakainis!! Sa dinami- dami ba naman ng sections sa university na ito. Bakit doon pa na----?

"Ang lalim ng iniisip mo ah." Natigil ako sa pag-iisip nang may nagsalita sa tabi ko. Nilingon ko yung tao. Bigla namang lumaki ang mga mata ko. Is this for real?

"Dale?!" Napatayo ako at bigla ko siyang niyakap na nagpagulat naman sa kanya.

"Ako nga." Natatawa niyang sagot at niyakap niya rin ako.

"Bakit ka andito?" Natawa naman siya bigla sa tinanong ko.

"Haha.. Dito din kaya ako nag-aaral." Grabe. Na-miss ko talaga tong lalaking ito.

"Kelan pa?"

"Last year pa. I'm glad to see you here." Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya. Isa siya sa mga taong malapit sa buhay ko. Siya naman kasi, maliban sa girls, ang laging nasa tabi ko lalo na nung nagkakalabuan na kami ni......Dustin.

"I'm glad too. Na-miss kita. Sobra." Niyakap ko uli siya. He chuckled.

"Bakit ka nga pala mag-isa dito? Nasaan sila Raia?" Umupo kami pareho sa dating pwesto ko. Hinawakan niya naman yung kamay ko at pinaglaruan ang mga daliri ko.

Hindi ko pwede sabihin sa kanya na dahil kay Dustin kaya ako nagkakaganito. Mag-aalala nanaman siya sa akin. Think. Think. Think.

"W-wala. G-gusto ko lang m-magpahangin." Bakit ba ako nauutal?

"Sigurado ka?" That was half of the truth. Tiningnan niya ako ng diretso. Umiwas agad ako ng tingin dahil sigurado mahahalata niya na nagsisinungaling ako.

"Oo naman. Ikaw talaga, masyado ka nanamang worried." Mukhang 'di pa rin siya naniniwala pero tumango na lang siya.

Nilagay niya ang ulo niya sa balikat ko. Kung may ibang makakakita sa amin, sigurado mapagkakamalan kaming dalawa na mag-jowa. We stay in that position until he broke the silence.

"Tara!" Bigla siyang tumayo at hinila ako.

"Saan?" Ngumiti lang siya sa akin at naglakad na siya papunta ng sasakyan niya. Sinundan ko na lang siya kayalang masyado kasing malaki ang steps niya kaysa sa akin. Tumigil muna ako at hinabol ko ang paghinga ko. Grabe!!

My Lovely GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon