Happy First

12.6K 192 21
                                    

Kiefer: Hmmm...

Nagising si Alyssa nung marinig niyang umungol si Kiefer at naramdaman niyang nakayakap 'to sa kanya. She turned around and watched him for awhile bago niya dahan-dahang tinanggal 'yong braso ni Kiefer.

She tucked Kiefer in again before checking on the twins, and when she saw that they were still sleeping, nag-umpisa na si Alyssa maghanda ng breakfast. Pagkaluto, naghain siya tapos bumalik siya sa kwarto nila para gisingin si Kiefer.

Nung nakita ni Alyssa na wala si Kiefer sa kwarto nila, naisip niya na baka nasa nursery 'to. True enough, nandun nga si Kiefer, karga si Kia habang nilalaro naman si Aki na nakahiga sa crib. Napangiti lang si Alyssa, sinusubukan niyang pigilan umiyak habang kinukunan niya ng picture 'yong mag-aama niya.

Kiefer: Kuya, Baby, look o, si Mommy nagda-drama. Pinipicturan lang tayo naiiyak na.

Kinarga ni Alyssa si Aki, hinalikan niya 'to sa noo and then turned to Kia to kiss her as well.

Alyssa: Ay naku mga Anak, wag kayong maniwala sa Daddy niyo. Hindi ako nagda-drama, Mommy's just happy kasi nandiyan kayo.

Kiefer: Talaga? Sige na nga, sabi mo eh. Kunwari napuwing ka lang.

Kiefer and Alyssa: Hahaha...

Alyssa: Hon, kain na tayo. Handa na 'yong breakfast.

Kiefer: Tara.

Kiefer and Alyssa went to the kitchen and secured the twins to their respective high chairs before having breakfast. After eating, hinanda nila 'yong pampaligo ng kambal. Si Kiefer ang nagpaligo kay Aki at si Alyssa naman kay Kia.

Kiefer: Aki, Kia, gusto niyo bang magpaaraw sa baba?

Alyssa: Yes Daddy, we want some sun and fresh air po.

Kiefer: Okay Babies. If that's what you want, then bababa tayo nina Mommy.

Sinakay nina Kiefer at Alyssa 'yong kambal sa kanilang stroller at dinala sa amenities area. Pagkatapos nilang paarawan 'yong mga bata ng 30 minutes, bumalik na sila sa unit nila. They've barely closed the door when the twins started to become agitated.

Aki and Kia: Waaahhh! Waaahhh!

Kiefer: O, bakit umiiyak 'yong mga Babies namin? (chineck 'yong diaper ng kambal) Hindi naman basa 'yong diaper niyo ah.

Aki and Kia: Waaahhh! Waaahhh!

Kiefer: (tumingin kay Alyssa) Hon, bakit sila umiiyak? Anong meron?

Alyssa: Kalma lang Kief, they're just hungry.

Natatawang kinarga ni Alyssa si Kia habang si Kiefer naman tumakbo sa kusina at kumuha ng isang feeding bottle ng breastmilk ni Alyssa para kay Aki. They fed the twins and then transferred them to the nursery when they fell asleep.

Alyssa: (bumulong) Hon, ikaw ng baha - uy, okay ka lang?

Kiefer: (bumulong) Oo, okay lang ako.

Alyssa: (bumulong) Eh bakit titig na titig ka kay Aki? Baka matunaw 'yong anak natin niyan.

Ngumiti lang si Kiefer. Inakbayan niya si Alyssa and kissed her at the side of her head before turning back to Aki.

Kiefer: (bumulong) It's been a month pero minsan hindi pa rin ako makapaniwala na may Aki at Kia na tayo. (after a few seconds) Dream ko lang 'to dati tapos ngayon totoo na.

Alyssa: (bumulong) We have a really beautiful family noh?

Kiefer: (bumulong) Sobra. And I thank you everyday for that.

Mommy Diaries (kiefly/alyfer fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon