Bunso

9K 154 38
                                    

Alyssa: Hon...Hon, gising ka naman o. (tinapik ng mahina si Kiefer) Uy...gising ka...

Madaling araw na pero hindi pa rin makatulog si Alyssa. Ayaw na sana niyang gisingin si Kiefer kasi may maagang training pa 'to bukas, kaya lang pakiramdam niya di talaga siya makakatulog unless mapagbigyan 'yong gusto niya.

Kiefer: Yaaawwwnnn...bakit? Anong meron?

Alyssa: Bili mo 'kong chocolates, gusto ko ng Toblerone eh.

Kiefer: Ha? Kakabili ko lang sa 'yo ng Toblerone nung isang araw ah.

Alyssa: Kahapon pa 'yon ubos. Sige na, bangon ka na diyan. Bilhan mo 'ko. Please?

Hinalikan ni Kiefer si Alyssa sa noo tapos niyakap niya 'to at pumikit ulit.

Kiefer: Madaling araw na Hon, bukas na lang kita bibilhan ha? Tulog na tayo ulit. Maaga pa gising natin bukas.

Kumawala si Alyssa sa pagkakayakap ni Kiefer at tinulak 'to palayo. Biglang napadilat si Kiefer and he saw Alyssa moving towards the edge of their bed.

Kiefer: O, saan ka pupunta?

Alyssa: Kung ayaw mo 'kong bilhan ng chocolates, ako'ng lalabas para bumili. Bahala ka, pag may nangyari sa 'kin, ikaw ang may kasalanan.

Kiefer grabbed Alyssa's hand and pulled her back in bed.

Kiefer: Wag ka na magtampo. Sige na, ako ng lalabas at bibili.

Alyssa: Yey! Salamat, Hon!

Pinanood ni Alyssa si Kiefer na magbihis, at habang hinahanap nito 'yong wallet niya at susi ng kotse, napangiti si Alyssa. She just suddenly realized how patient Kiefer has been with her throughout their entire relationship.

Alyssa: Di mo talaga 'ko matiis noh?

Kiefer: Siyempre, love kita eh. (hinalikan si Alyssa sa noo) Maghintay ka na lang dito, I'll be back soon.

Alyssa: Okay. Ingat ka, ha?

Kiefer left to buy Alyssa's Toblerone and less than 30 minutes later, pagbalik niya ng bahay, naabutan niya si Alyssa na nasa kusina umiinom ng hot chocolate. Lumapit siya dito to kiss her but she just flashed him her signature smile before grabbing the bag of chocolates in his hand.

Natawa na lang si Kiefer tapos kumuha din siya ng hot chocolate at umupo sa mesa to keep Alyssa company. Kiefer was quietly watching Alyssa eat her chocolates when he remembered something from more than five years ago.

Kiefer: Parang napapadalas ata Hon 'yong pagke-crave mo ng Toblerone.

Alyssa: Oo nga eh. Tapos alam mo, ang weird, kasi ang dalas kong antukin lately. Kumpleto naman ako sa tulog pero ang sluggish pa rin ng pakiramdam ko.

Kiefer: Nagka-morning sickness ka ba this past month?

Alyssa: Hindi. (after a few seconds) Wait, are you saying na baka buntis ako?

Kiefer: Naisip ko lang na there's a chance that you might be. I mean, the last time na ginising mo 'ko ng madaling araw para bumili ng kine-crave mo, pinagbubuntis mo pa 'yong kambal.

Natigilan si Alyssa sa sinabi ni Kiefer. It dawned on her na tama nga, the last time she had a craving this uncontrollable was when she was pregnant.

Kiefer: Ly, kelan ka huling nagkaroon ng period mo?

Alyssa: I don't remember, but definitely not last month.

Kiefer: Punta tayo sa OB mo bukas, magpa-check up ka so we can know for sure kung buntis ka nga o hindi.

Mommy Diaries (kiefly/alyfer fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon