III

5 1 0
                                    


O ginoo,

Matang nagniningning,
Ito'y nakakahumaling.
Mukhang parang isang sining,
Na ipininta ng mga magagaling.

Ika'y isang awitin,
Na hindi nakakasawang pakinggan.
Ang puso'y 'di kayang pilitin,
Na sa iyo, ako mapalayo.

Ngunit tanggap ko na,
Hindi na ipipilit pa.
Ako'y nananaginip nang gising.
Sa panaginip at pangarap na lamang, ika'y mananatili.
__________________________________

Para Sa'yo, Aking GinooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon