XIV

1 1 0
                                    

O ginoo,

"Siya pa rin ba?" tanong ng karamihan.
Talaga bang siya pa rin? Baka ako'y nagugumilihan.
Pero sa t'wing napapadpad sa isipan,
walang ibang nananahan.

Kapag kinakalkal ang mga lumang kagamitan,
Nandoon pa rin ang mga papel na pinagsulatan.
Mga tulang sinulat para sa 'yo, mga kasagutan sa tulang handog mo.

Sa paggising sa umaga'y naghihintay ng pagbati mo.
Kahit pa walang kasiguraduhan na ika'y tutugon, patuloy na umaasa ang puso.
Kapagkuwa'y nananaginip nang gising, sana ika'y nandito.

Sa gabi'y kahungkagan ang nararamdaman, ako'y nawawalan.
May mga nais akong ilahad; ang takbo ng araw na pilit kinakaya nang ika'y wala.
Hanggang sa pagtulog, ikaw ang huling ninanais.

Ngayon, ako'y napapangiti na lamang ng mapait.
Ang pagmamahal mong ipinagkait,
Ng tadhana ngunit hindi ko masisisi.
Ang sagot ko'y "siya naman palagi," kahit hindi na ako ang panalangin.
__________________________________

Para Sa'yo, Aking GinooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon