XII

2 1 0
                                    

O ginoo,

Minsan, napakahirap mahalin ang nasa malayo.
Laging nag-iisip sa 'yo:
Ano'ng ginagawa mo ngayon?
Hindi mapirmi, nag-aalala sa 'yo.

Gabi-gabi nalang nakatingin sa langit,
Kinakausap ang mga tala at ang buwang kay rikit,
Umaasang ika'y nakatitig din,
Damdaming nangungulila sa 'yong presensiya sa 'king piling.

Magkaiba ang ating oras,
Milya milya ang layo mo sa Pilipinas.
Ano'ng magagawa ko?
'Di alintana ang distansya ng mga puso.

Kahit na ganoon, mahal iyong tandaan
Hindi man tayo ang magkasama, ngunit 'wag sanang kalimutan.
Ako'y narito't walang sawang naghihintay.
Kahit mahirap, kakayaning lagpasan ang pagsubok ng buhay.
Upang ika'y makapiling sa habambuhay.
__________________________________

Para Sa'yo, Aking GinooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon