O ginoo,

umagang umaga, naiisip na agad kita.
nakakabaliw pala ang umibig, hindi ba?
napapangiti ka nalang nang walang dahilan
minsan nga'y nananaginip ng gising, nababaliw na ngang talaga.

ako'y bata pa, alam ko
sobrang bata para makaramdam ng gan'to
pero hindi naman ako inosente o ignorante
na di matukoy kung ako'y umiibig o humahanga lamang.

sadyang misteryoso ang pag-ibig, hindi ba?
nakagagawa ng mga bagay na di mo pa nagagawa
nakararamdam ng kakaiba
kahit sino pwedeng tamaan
ng mga pana ni kupido
at ako'y mapalad
dahil sa'yo ako nahulog
__________________________________

Para Sa'yo, Aking GinooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon