O ginoo,
"Does love really lasts?"
Ang mga katagang ito, 'di mawari kung sa'n nagsimula.
Ba't nagkaroon ng pagdududa? Hindi ko rin maalala.
Katanungang bumabagabag sa isipan mula nang ika'y nagbago na.Mga pakikitungo mong malamig pa sa yelo, hindi ko gusto.
Sa simpleng pagbati sa umaga, nakakawalang gana.
Bakit nga ba tayo nagkaganito? Ako'y walang nalalaman.
Ako ba'y nagkamali? Sana'y napagnilayan.Ikaw ba'y abala o may iba na? Hindi ko alam.
Nawawalan ng oras o namamaalam? 'Wag naman sana.
Kahit isang salita mula sa'yo, wala na. Nakakaya mo pa?
Oras, araw, linggo, muna ang lilipas bago ka tumugon. Natitiis mo akong hindi kausap?Ika'y nagbagong talaga, hindi ba? Ganoon na nga.
Mahirap mang tanggapin ngunit nangyari na. Sana'y maaayos pa.
Hindi ko alam ano'ng gagawin. Paano na kaya? Paano na ang mga pangakong binitawan?
Tuluyan na bang mawawala? Sana'y kaya ko pang isalba.Ang mga pagdududang sana'y hindi nabuhay. Paano ba mawawalay?
Ang mga tumatakbo sa isipan, nagpatulo sa mga luhang matagal nang nais pakawalan.
Ako'y nagtitiis, matagal na. Sana'y iyong nakikita.
Ngayon ang mga katanungang bumabagabag, may kasagutan na. Ako'y sigurado na, ang pagmamahal mo'y naglaho na ngang talaga.
__________________________________
BINABASA MO ANG
Para Sa'yo, Aking Ginoo
Poetry"𝔓𝔞𝔯𝔞 𝔰𝔞 𝔪𝔤𝔞 𝔤𝔦𝔫𝔬𝔬𝔫𝔤 𝔪𝔦𝔫𝔰𝔞𝔫𝔤 𝔫𝔞𝔤𝔦𝔫𝔤 𝔭𝔞𝔫𝔰𝔞𝔪𝔞𝔫𝔱𝔞𝔩𝔞𝔫𝔤 𝔩𝔦𝔴𝔞𝔫𝔞𝔤 𝔰𝔞 𝔪𝔞𝔡𝔦𝔩𝔦𝔪 𝔨𝔬𝔫𝔤 𝔪𝔲𝔫𝔡𝔬." A collection of poems Disclaimer: not organized