Kapitulo 4

4.6K 119 15
                                    

Hindi ako dadalawin ni Daddy at Eve sa weekend dahil nakapunta na nga naman si Daddy ngayon. I told Dad that he forgot to teach me how to commute again. He apologized and said he'd really teach me the next weekend. Isang linggo na naman akong maghihintay.

I sighed and let my forehead touch the chair's arm. But I instantly lifted it because I realized baka marumi 'yong upuan.

"Gusto mo bang subukan pinsan ko ulit?" ani Lara matapos kong sabihin ang nangyari kanina. "Ayaw ko."

"Pa'no 'yan? Hihintayin mo na lang uli si Tito?" tanong niya. "Mukha. Sa dati nating mga ka-block, may kilala ka bang maalam sa commuting?"

She shook her head in response. "Kayo lang nina William close ko rito, ewan ko if marunong 'yong iba." Bumuntong hininga ako ulit at napapikit.

I was sure magsisimula na ulit ang mga homeworks sa Monday, baka nga ngayon pa lang, e. Pa'no ko gagawin 'yon kung kumportable akong may kasamang mag-aral at gumawa ng reqs?

Pagpasok ng prof namin, nag-quiz ulit kami bago siya nagturo. Bago matapos ang klase na 'yon, ipinaalam niya sa 'min na kailangan naming magpasa ng isang essay tungkol sa ilang tanong na nakasentro sa nakaraang lesson at lesson ngayon. Ipapasa namin 'yon by Wednesday.

I had a lot of time. Kakayin ko 'to. Makapopokus ako kung wala ako sa bahay, titiisan ko na lang ang Esso mag-isa dahil paniguradong uuwi na si Lara after ng klase na 'to. Tuwing Friday kasi, required sa pamilya niyang umuwi ng maaga dahil magsasalo-salo sila kasama ang kamag-anak ng either nanay niya or tatay. Hindi niya pa kailanman nabali 'yon. Kaya niyayaya namin siya nina William at Franko na Sabado uminom imbis na Biyernes.

"Kung yayain mo kaya sina William?" ani Lara habang palabas kami ng RH. "May Bio 'yon ngayon, 'di ba? 'Di na ako masasamahan no'n." Paalala ko sa kaibigan.

"Sige... Next time," hinawakan niya saglit ang braso ko bago siya pumunta kung nasaan ang driver niya. 

Ako ay dumiretso sa Esso. Kaso puno na ang lugar, hindi na ako makasisingit dahil mukhang matagal pa matatapos ang mga tao. I tried to stay in SB and Coffee Bean, pero pareho ring puno. Naghanap ako ng iba pang café sa RobMan at nakita ang Krispy Kreme—medyo marami pa ang bakanteng upuan do'n, kaya nag-stay na ako ro'n.

Um-order ako ng mainit na kape. I sat beside an empty table and took out my laptop. Nung kinuha ko ang kape ko, humigop muna ako bago sinimulan ang pagbabasa ng lesson.

Unang linya pa lang ako ng binabasa, mayroon ng istorbo—isang makulit na bata. He was with his father. Humihingi ng paumanhin sa akin ang ama nung bata dahil patuloy ang pakikipag-usap ng bata sa akin kahit na pinagsabihan na siya ng tatay niya. Awkward lang akong ngumingiti.

Uminom ako muli ng kape at pinigilan ang pag-irap dahil baka mabastusan sa akin 'yong ama nung bata. Kalaunan, umalis na ang mag-ama at natahimik ako muli.

Hallelujah.

Nung magta-type naman ako ng essay ko na, may dumating na barkada at umupo sa likod ko. Malakas na buntong hininga ang ginawa ko dahil mas naririnig ko pa ang usapan nila kaysa sa sarili kong pag-iisip. Hindi ko ma-formulate 'yong essay ko dahil nakikinig na ako unconsiously sa kung sinong nasa likod ko.

Isang oras silang nanatili do'n, at talagang hindi na ako maka-focus—lalo na't dumami ang tao sa mall at rinig ko na ang patugtog ng Robinson.

Badtrip kong sinara ang laptop ko at hindi pa tapos na essay bago tumayo. Kanina pa ubos ang kape ko, pero ni hindi man lang ako nakakalahati sa essay ko. Mas naunawaan ko pa 'yong kuwento nung barkada sa likod ko kaysa sa kaninang iniisip ko para sa essay ko.

Ano'ng gagawin ko?

Mas lalong hindi ako makagagawa mag-isa sa condo. Bakit ba kasi hindi na lang pumayag si kuya Eli at Ed na magpapunta ako sa condo, e! Hindi ko tuloy matapos-tapos ang essay ko! Nag-email na rin ang econ prof ko na may ipagagawa siya soon, through email niya lang din ipo-post ang instructions.

Head in the Sand (Erudite Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon