My brows met as the brown-eyed creature put his eyes on my face. Tumaas ang isang kilay ko habang nakatitig sa kaniya.
Maniyak yata 'tong pinsan ni Lara, e!
"She needs help in commuting," sabi ni Lara sa pinsan niya. Lara pulled me a bit to meet her cousin.
"Eloise, this is Graham. Kabisado niya Pilipinas," Graham looked at Lara in an irritated way.
Lara laughed. "Joke lang, 'to naman, parang sasaksakin mo na 'ko. Anyway, Graham, this is Eloise, my classmate at UPM. She needs help in commuting, can you teach her?"
Without missing a beat, Graham answered. "Ayaw ko,"
Akmang aalis na siya nang hilahin siya ng pinsan niya. Hindi ko alam kung dapat ba tumulong ako sa pag-persuade, pero hindi naman ako desperada, e. Ayaw ko.
"Graham naman, please? She really wants to learn, she's from Batangas—she doesn't know anything about jeeps and trains here."
Pumalatak si Graham at binalingan ako saglit. I looked at him without any emotion on my face. Kung ayaw niya, e 'di, 'wag. It's not as if I knew him anyway. Besides, baka mamaya maniyak nga 'to. Ayaw kong makasama siya sa pagbiyahe kung gano'n siya.
"Hindi ko naman siya kilala, e. Ba't ko siya tuturuan? E 'di, ikaw magturo, Lara." Saad ni Graham bago siya umalis kasama ang ilang mga kaklase.
"Sungit no'n. Sorry, Eloise, akala ko papayag 'yon." Tinignan ko si Lara. "Ayos lang... Hihintayin ko na lang si... Daddy..."
Nag-pout ang kaibigan ko at inilagay niya ang braso in between my waist and arm. "Sorry, ha? Hintayin mo na lang si Tito. If you really want to study with us, sa Esso na lang."
"Okay," I answered, hiding how I really felt.
Sa Cafe Esso kami usually nagsasama-sama, minsan kasama pa ang ilang block mates, para mag-group study minsan. Pero mas focused ako kung sa bahay nina William, Franko, or Lara. Although, masarap naman 'yong food sa Cafe Esso, marami rin kasing taong pumupunta ro'n.
Gusto ko kapag nag-aaral ako, wala masiyadong tao sa paligid para tahimik. Though, ayaw ko na mag-isa ako, mababaliw ako kapag wala akong nakikitang kapuwa estudyante na nagbabasa o nag-aaral. Ang complicated ng utak ko, pero iyon ang gusto ko, e.
Bumili kami ng mga kaibigan ko ng mango graham shake na sikat dito sa P. Noval. I liked the taste naman, pero the price was... Nevermind.
Binalik nila akong UPM bago sila umuwi sa kani-kanilang bahay. It was a good thing na wala masiyadong kailangan gawin ngayon, hindi pa kailangan mag-aral dahil sa Wednesday pa ang first day ng second sem talaga. May oras pa ako para magbasa ng librong binili ni kuya Eli para sa akin.
Bumili ako ng meriyenda bago sinimulang basahin ang libro. After a few hours, I finished it and decided to take a bath. At, habang nasa banyo, iniisip ko na kung ano'ng dinner ko. Puwede akong magluto ng adobo, pero hindi ko nababa ang manok mula sa freezer. I didn't have ready-to-eat food sa ref at cabinets, e. Hindi kasi mahilig si Daddy sa mga canned food since puro preservatives 'yon.
By seven in the evening, nagpasiya na lang akong bumili ng burger sa Wendy's. Naglakad ako ng kaunti bago nakarating sa RobMan.
I am so thankful na mayroong malapit na mall. Hindi ko kailangang mag-travel ng malayo for my groceries. Kasi if I did have to travel, tapos dala-dala ko 'yong mabibigat na plastics ng grocery ko, baka maputol arms ko. Hindi ako physically active na tao, kahit na pinipilit ako nina kuya Eli at Daddy na mag-work out o jogging. Ang katuwiran ko ay healthy naman ang kinakain ko most of the time...
Nang makabalik ako sa unit ko, kumain na ako at naglinis ng kaunti. Nagpatugtog ako ng playlist ko habang inaayos ko ang schedule ko sa laptop ko at phone. I fixed my Google calendar para kada bukas ko ng phone, alam ko kung ano'ng susunod na subject ko.
BINABASA MO ANG
Head in the Sand (Erudite Series #3)
Fiksi UmumSwitching to a condo would be a huge shift in Eloise Danielle Madrigal's life, the Iska from UP Manila. From living in her aunt's home, she will independently live near her school. From growing up with so many hands to help her, she will face a new...