Kapitulo 26

3K 104 29
                                    

I wasn't really able to talk to Graham that much today, so I was surprised to know that he was in the lobby of my condo. I thought today would be the day that he wouldn't come to me.

I saw my boyfriend sitting on the couch holding his phone. Tumayo siya at sinalubong ako.

"Akala ko hindi ka pupunta ngayon, 'di kasi tayo nag-usap masiyado, e. 'Tsaka late na." I pushed the power button of my phone and saw that it was 10:32 PM already.

My brothers had gone home, only Daddy and Eve stayed for tonight. Hindi rin naman kakasiya kung lima kaming mananatili sa unit ko.

"Have you eaten?" I asked him as my hand touched his palm. "Hindi pa, pero kumain ka na, 'no?" tumango ako.

"Okay lang ba na samahan mo, 'ko?" agad akong tumango muli. "Sa malapit lang naman na kainan, hindi na tayo bibiyahe."

"Yeah, sure, tara!" hinila ko siya palabas ng condo.

Nag-text ako kay Daddy no'ng makarating kami sa kainan na nakipagkita lang ako sa kaibigan para kumain ng McDo para hindi siya mag-alala. Nag-reply naman si Daddy at sinabing matutulog na siya dahil pagod siya sa pagmamaneho patungo rito. Good thing I brought my key with me.

"Happy birthday, dayang."

Umangat ang mga mata ko mula sa telepono nang marinig ko malamyos na pagsasalita ni Graham.

"Sana magustuhan mo," inabot niya sa akin ang isang maliit na box.

Nakatitig si Graham sa regalo niya habang ako ay abala sa paninitig sa kaniya. Hindi ko maunawaan kung bakit sobra-sobrang ngiti ang ginagawa ko para sa simple niyang gesture. It was a gift, a simple-looking present that seemed to weigh more than gold to me right now.

Para akong mababaliw sa saya. Para akong nanlalambot sa binti at hita.

How can he give me this much happiness?

He looked at me because I didn't respond.

"Thank you, Gray," kilig kong saad sa nobyo. "Buksan mo na."

"Gusto sana kitang yakapin kanina, kaso may mga tao sa lobby." May hiya ang tono ng pananalita niya. "Sorry kung late ako, matatapos na ang birthday mo."

I glanced at him while opening the box. "You don't need to apologize, and thank you for coming."

My eyes feasted on a silver bracelet. It was a sleek circular designless bangle, but it looked easy to pair with any clothing. Manipis lang 'yon at magaan nang kunin ko mula sa lalagiyan. Bagay 'to sa akin kapag sinuot ko ang regalo ni Daddy na kuwintas.

"Sa Ongpin ko binili 'yan, sa Quiapo. Hypoallergenic 'yan, kaya 'wag ka mag-alala. Mura man 'yan, 'di naman delikado gamitin sa balat."

I examined the bracelet and saw an engraving at the center.


AD


I think it meant 'aking dayang.'

"Thank you, Gray. I like it, super." Sinuot ko 'yon at ipinakita sa kaniya. Graham smiled at me. "Mabuti naman at kasiya. Akala ko masiyadong maluwag no'ng una."

He took the box and put it in his bag. Then, his food arrived.

"Bakit pala dumayo ka pa? E, 10 na. Usually naman, seven ka, ah?"

He was pouring his cup some water. "Kinuha ko pa kasi 'yan."

"You came from Quiapo? Dapat bukas mo na lang binigay ire, Gray. Ano ka ga! Anong oras ka nang makauuwi niyan?"

Head in the Sand (Erudite Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon