Chapter 9

6.7K 160 43
                                    

SERAPHIEL















"Ayos ka lang ba, Ram?" Tanong ko nang hindi na makatiis dahil kanina pa siya tulala at parang wala sa sarili.

Hindi siya sumagot, parang walang narinig kaya napanguso ko. Mukhang malaki talaga ang problema niya.

Pumitik sa harap niya si Dashiel. Mukhang nu'n lang siya natauhan.

"What?"

Napailing si Dashiel. "What's the problem? Kanina ka pa wala sa sarili."

Ram let out a sigh and brushed his hair with his fingers. He looks problematic.

"Hindi mahanap ng mga tauhan ko si Mama," Anito at tumitig sa tasang nasa harap niya. "May hinala kami na wala na siya dito sa Cebu."

Nagkatinginan kami ni Dashiel.

"So anong plano? I can lend you some help if you want." Alok ni Dashiel.

"Raheel and Alistair are already helping me," sagot ni Ram. "I'll bring her to the US once we found her, she needs to be treated. Iyon din ang payo ni Tito Sat."

Tumayo ako at tinapik ang balikat niya. Iniwan ko sila ni Dashiel sa may garden para mas makapag-usap.

Naabutan ko si Uncle Kael na gumagawa ng fresh lumpia. Napangiti ako nang maalala si Gideon, he hates vegetables.

Ano kayang magiging itsura niya kapag kumain ng fresh lumpia? Parang gusto kong makita.

Nilabas ko ang cellphone ko at tinext siya.

Ako:

Are you busy?

Ilang sandali lang ay natanggap ko ang reply niya. Oh, ang bilis a!

Gideon:

I'm not, why?

Ako:

Nasa'n ka?

Halos mapatalon ako nang bigla siyang tumawag. Ngumuso ako nang makita ang pagngisi ni Uncle Kael.

Umalis ako ng kusina bago sinagot ang tawag.

"Hello,"

"Nasa bahay ako,"

Nakagat ko ang ibabang labi nang marinig ang pagkapaos ng boses niya. Ang seksing pakinggan.

"What are you doing?"

"I just woke up."

Suminghap ako. Kagigising lang niya? Anong oras na ba? Alas nuebe, alas diyes?

"Nagising ba kita?" Alanganing tanong ko.

"No,"

"Can I go there? May ipapatikim sana ako sayo."

Kinagat ko ang ibabang labi nang matahimik siya. Kumunot ang nuo ko nang may kumalabog kasunod ng malalabong mura.

"G-Gideon? Ayos ka la--"

"Wait for me, susunduin kita." Aniya na ikinakurap ko.

"A-Ah, sige..."

Nang maibaba ang tawag ay muli akong pumasok sa kusina. Naglagay ako ng fresh lumpia at sauce sa tupperware.

Umakyat ako sa kwarto ko para mag-ayos. I took a quick bath and wore my blush pink floral wrap dress. Pinatuyo ko ang buhok gamit ang blower at hinayaan na lang iyon na nakalugay.

Agad akong bumaba nang magtext si Gideon na nasa labas na siya. Kinuha ko ang tupperware na nilagay ni Uncle Kael sa isang brown na paperbag.

"Uncle, pakisabi na lang kay Dash na umalis ako."

Stealing You Softly Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon