Chapter 6

7.1K 173 37
                                    

SERAPHIEL















"What's with the smile, Solar?" Sita ko sa kapatid ko na kanina ko pa napapansin ang nanunuksong tingin at ngiti.

Nasa kitchen kami at tinutulungan si Uncle Kael sa pagluluto. We know how to cook pero mas eksperto si Uncle Kael.

"Bagay kayo ni Kuya Gideon, Ate." Aniya na ikinagulat ko.  Ano daw? Nabingi yata ako.

Uminit ang pisngi ko nang marinig ang pagtawa ni Uncle Kael.

"A-Ano ka ba, Solar! Nakakahiya, baka marinig ka nung tao! Magkaibigan lang kami tsaka baka mamaya may nobya pala 'yun!"

She shook her head. "I don't think so."

Kumunot ang nuo ko. "What do you mean?"

"He looks at you in a different way, Ate."

"How different?" I asked curiously.

"Just like how Dad looks at Mom." Ngiti ni Solar na ikinanganga ko.

No way! Hindi siguro...imposible naman yata iyon. Pagod lang siguro si Solar kaya kung anu-ano ang nakikita.

Lumabas ako ng kusina para makatakas kay Solar at Uncle Kael. Solar's words are bothering me.

"Ateng!"

"Ay kabayo!' Sigaw ko sabay sapo sa dibdib ko.

Malakas na tumawa si Dashiel dahil sa naging reaksyon ko.

"Bwiset ka! Bakit ka ba nanggugulat?!" Inis kong hinampas ang braso niya.

Muntik na akong inatake sa puso!

Humagalpak siya ng tawa. "Para ka kasing ewan e. Kanina pa ako kumakaway sa'yo pero tulala ka diyan."

Sumimangot ako dahilan para muli siyang tumawa.

"Oh, anong nangyayari dito?"

Sabay naming nilingon si Uncle Travis na kasunod si, Gideon. I swallowed hard when our eyes met. Kung totoo yung sinasabi ni Solar bakit hindi ko makita?

"Who is he, Uncle?"

Nakagat ko ang labi nang marinig si Dashiel. Bigla sitang naging seryoso habang nakatitig kay Gideon.

"Ah, ito ba?" Tinapik ni Uncle Travis ang balikat ni Gideon bago sumulyap sa akin. "Boyfriend ni Sera Ganda."

I gasped when Dashiel muttered some curses.

"What the? Is it true, Ateng?" Baling nito sa akin, umiigting ang panga na parang galit.

"What? Of course not! He's a friend! H'wag kang nagpapaniwala kay Uncle!"

Tumawa si Uncle Travis. "Oo nga, lalaking kaibigan! Masyado kayong high blood! Manang mana kay Bossing!"

Ipinakilala ko sa kanya si Gideon. They shook hands while having a staring contest. Parehong seryoso ang mga mukha nila na ikinabahala ko pero si Uncle Travis ay mukhang pa easy-easy lang.

While having dinner they are talking about business. Gulat na gulat ako nang malaman na si Gideon pala ang may ari ng Mi Corazon, it's a well-known luxurious hotel with many branches here and abroad.

"So you'll bring Mi Corazon here in Cebu?" Tanong ni Dashiel nang malaman ang plano ni Gideon na pagtatayo ng hotel dito.

"Yes,"

"So meaning no'n, magtatagal ka pa dito?"

Nasamid ako dahil sa pananalita ni Dashiel. Agad akong inabutan ng tubig ni Gideon at marahang hinimas ang likod ko na ikinainit ng buong mukha ko lalo na't pinanonood kami ng mga kapatid ko at ni Uncle Travis.

Stealing You Softly Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon