Chapter 25

6.5K 149 20
                                    

WARNING: MATURED CONTENT!!!
May contain sensitive topics, mature scenes, violence, strong language, and vulgar words. Read at your own risk.

SERAPHIEL












"So ibig niyong sabihin, malaki ang chance na si Alora talaga ang sumaksak kay Gerry?"

Tumango si Raheel sa tanong ko. Siya ang kinuha ni Gideon na private investigator para sa kaso ni Kier. Si Cashmere naman ang abogado nila.

Ginagawa nila ang lahat para matulungan ang kapatid kahit ayaw nitong makipagcooperate.

Nilingon ko si Gideon nang hapitin nito ang baywang ko at mas inilapit ako sa kanya. Mariin ang titig na ibinibigay niya kay Raheel na mukhang hindi naman alintana ng huli.

Anong problema niya kay Raheel? Kanina ko pa napapansin na parang ang sama ng mga titig niya dito.

"Bukod kasi sa fingerprints ni Kier, may iba pang fingerprints na natagpuan sa crime scene, mostly sa bedroom ni Figueroa." Si Raheel.

"Figueroa's body was found on his living area, hanggang duon lang din ang mga fingerprints ni Kier, wala sa kwarto." Dagdag pa ni Raheel.

"May dugo din sa kwarto niya, kung si Kier ang sumaksak sa kanya dapat mayroon din siyang fingerprints duon but none, iba ang natagpuan ng mga pulis."

"He love his girlfriend right?" Ani Gavin. "There's a big possibility na inako niya ang pagpatay para rito."

"Where is Alora now?" Tanong ko.

Gideon sighed. "She's nowhere to be found. Kaya mas lumaki ang hinala namin."

"She's very suspicious, ni hindi man lang niya dinalaw ang boyfriend niya kahit isang beses." Si Gael.

"If only Kier would tell the truth, mas mapapadali 'to but he's hard as rock too! Matigas ang ulo! Santillan nga talaga!" Si Cashmere kaya masama siyang tiningnan ng tatlong Santillan na kasama namin dito sa library.

"Are you sure you'll come with us? Dito ka na lang kaya sa bahay? Baka mastress ka lang du'n."

Umirap ako sa hangin bago nakahalukipkip na hinarap si Gideon.

"We already talked about this right? Pumayag ka na tapos ngayon balak mo pang bawiin."

He sighed and holds my waist. "I'm just worried for you and for our little pumpkin here."

Hinaplos niya ang baby bump ko.

"We'll be fine, kakausapin ko lang naman si Kier. Malay mo makumbinse ko di ba?"

Unti unti siyang tumango, sumusuko na sa pakikipag-argumento sa akin.

"Fine, pero saglit lang tayo du'n." Anito.

I rolled my eyes again. "Ang sungit mo! Tell me, nagseselos ka na naman?"

"Hell no! Why would I? Alam ko namang ako ang mahal mo! Patay na patay ka kaya sa akin--"

Kumunot ang nuo ko at mabilis siyang pinutol. "Sinong patay na patay?" I asked dangerously.

Nabibingi yata ako at iba ang naririnig ko.

"Ako! Sabi ko patay na patay ako sayo."

Tumango ako at ngumiti. "Good, mabuti nang nagkakaintindihan tayo."

Gulat ang rumehistro sa mukha ni Kier nang makita ako. Nanggilid ang mga luha ko nang makita siya, malaki ang ipinayat niya at ang ilalim ng mga mata ay nangingitim, halatang walang matinong pahinga.

Nilipat niya ang paningin kay Gideon na nasa tabi ko lang at nakaalalay sa akin. Dinaig pa nga ang bodyguard.

"Hindi mo siya dapat dinala dito, Señorito." Ani Kier, dismayado ang tinig.

Stealing You Softly Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon