Wakas

12.8K 286 113
                                    

WARNING: MATURED CONTENT!!!
May contain sensitive topics, mature scenes, violence, strong language, and vulgar words. Read at your own risk.

GIDEON LUIS SANTILLAN












"Stop it, Grace! You're being paranoid again!"

"Babae ang sumagot sa phone mo nung tinawagan kita! She said you're still in the bathroom having a shower! Tell me, Gustav! Who is she?!"

I closed my eyes and leaned my back on the wall. They are fighting again and I really hate it.

Minutes after, I heard my mother's sobs. Bumukas ang pinto at lumabas si Daddy. He looked at me with a shocked expression but it vanished immediately. He didn't say anything to me. I watched him while clenching my fists as he walk away leaving my crying mother.

Pumasok ako sa loob ng library at nilapitan si Mommy. She immediately wiped her tears away and gave me a sweet smile, hiding her true feelings.

I hugged her, iyon pa lang ang kaya kong gawin para sa kanya. I wish to grow fast so I could protect her in any way that I can.

"Stay here, Gideon. Papalitan ko lang ng diaper si baby Gavin, okay?"

Umupo ako sa sofa at pinanood si Mom na dalhin ang kapatid ko sa banyo para mapalitan ng diaper.

I glanced at the food she prepared for Dad. She wants to surprise Daddy by bringing lunch here in his office. Si Daddy na nga ang may kasalanan siya pa ang nanunuyo.

Mabilis akong lumingon sa pinto nang bumukas iyon. Galit kong kinuyom ang maliliit na kamao nang makita ko si Dad na pumasok kasama ang secretary niya. They are kissing each other. Hindi ako napansin ng mga ito dahil sa kalokohan na ginagawa.

I want to punch him. I want to hurt him for hurting my mother over and over again. But how could I do that? I'm just a kid.

I intentionally fake a cough making them stop. Nandito ang ina at kapatid ko, ayokong masaktan na naman si Mommy kapag nakita niya ang kataksilan ng ama ko.

Agad silang naghiwalay. I gave Dad a blank expression. Pinalabas niya ang secretary niya at lumapit sa akin dito sa sofa.

"I hate you for hurting my mother." Usal ko na ikinagulat niya.

He tried to reach me but I moved away. I saw hurt in his eyes but I don't care about that. Wala lang 'yan kumpara sa sakit na nakikita ko kay Mommy.

Lumabas si Mommy at Gavin mula sa banyo. Agad silang sinalubong ni Dad na akala mo walang ginawang kasalanan ilang minuto pa lang ang nakakalipas.

"Mom, are you okay?" I asked her when I saw her crying in their room.

Mabilis niyang tinago ang isang picture, si Dad iyon na may kasamang panibagong babae.

"I'm fine." Sagot niya at ngumiti sa akin.

She's hurting again.

Sa bawat araw na lumilipas mas nagagalit ako kay Daddy at sa mga babae niya. Galit ako dahil ninanakaw nila ang Daddy kay Mommy kaya nasasaktan ang ina ko. Galit din ako kay Daddy dahil hindi siya marunong makuntento.

"Oh my gosh! Ang ganda ganda naman ng baby Gigi ko na yan!"

Tuwang-tuwa si Mommy kapag binibihisan niya ako ng pambabae. She wants a daughter pero hindi nabiyayaan.

I like the glow in her eyes everytime she's dressing me up like a girl. I can see genuine happiness kaya hinahayaan ko na. Sa ganitong paraan man lang mapasaya ko siya. She deserve all the happiness in the world. Kung kaya ko ibigay, ibibigay ko.

Stealing You Softly Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon