Chapter 15

7.3K 142 19
                                    

SERAPHIEL











Dahan-dahan akong humigop ng kape mula sa stainless tumbler na hawak ko.

Humigpit ang pagkakayakap ni Gideon mula sa likod ko, mas naging komportable ako dahil naiibsan ng init na nagmumula sa katawan niya ang lamig ng pang-umagang hangin.

Nasa dalampasigan kami, nasa harapan niya ako habang nakaupo kami sa nilatag niyang blanket dito sa buhangin. He's hugging me from behind while we're waiting for the sun to come up.

Napapangiti ako sa tuwing nararamdaman ko ang paghalik-halik niya sa ulo ko. Sinong mag-aakala na si Gideon Santillan ay isang clingy at touchy na klase ng tao. Hindi mo talaga dapat husgahan ang isang tao hangga't hindi mo ito nakikilala.

The sun is slowly rising and it's beautiful. Unti-unting kumakalat ang liwanag sa paligid. A new day to be happy.

Bahagya kong nilingon si Gideon, ngumiti siya at ibinaba ang mukha para maabot ang labi ko. It was a slow passionate kiss that made my heart thumped real crazy.

Sa tuwing hinahalikan niya ako para akong idinuduyan.

"I love you, Seraphiel." He whispered huskily after the kiss we shared.

Ngumiti ako at tumitig sa mga mata niya. I can see is the gentleness and love while he's staring at me.

Paano kaya ako nagustuhan nito? I mean, sa dami ng babae sa Manila ako pa talaga.

"I love you." Ulit niya.

Tumango ako habang kagat ang ibabang labi. Nakita ko ang pagsimangot niya bago ibinaon ang mukha sa balikat ko.

Sana naman hindi mapikon at magtampo katulad kahapon. Matampuhin din pala ang isang 'to, nang hindi ako pumayag sa gusto niyang pagsuswimming sa kama kahapon ay hindi na ako pinansin, silent treatment ang loko sa'kin! Akala mo naman natakot ako, siya rin naman ang hindi nakatiis.

Nang tuluyan ng sumikat ang araw ay bumalik na kami sa bahay. Kumain kami ng breakfast kasama ang mga pinsan ko.

Busy sila Mommy sa paghahanda para sa magiging reunion namin bukas. Hindi na kami nakigulo dahil si Tita Ronnie at Tita Cedie pa lang sobrang gulo na, palaging nagbabangayan parang aso't pusa.

"Seriously? Ang aga aga iinom kayo?"  Nakapamaywang kong tanong nang makita si Uno at Dos na parehong may alak na dala.

"Tamang bonding lang, Sera." Ngisi ni Uno. Ang sarap sapukin!

"Oo nga, pa welcome na din namin 'to sa bebe mo!" Segunda ni Dos na akala mo isang mabait na tao.

"Sus! Mga palusot pa kayo! Ang sabihin niyo mga lasenggero kayo!" Singhal ni Zafie sabay irap sa dalawa.

"Pwes lasenggero din mga kapatid mo, kasali kaya sila!" Sabi ni Dos at inirapan din si Zafie.

"Gideon," marahang tawag ko dito, gusto ko siyang ilayo sa mga lassenggo na ito at ayain itong mamasyal, mabilis niya akong nilingon at akmang lalapitan ako nang hinila siya ni Uno na gago.

"Sa'min muna 'tong bebe mo, Sera!" Ngisi ni Uno at may ibinulong dito.

Umirap ako at muling tinawag si Gideon. "Gideon!"

Halos magdabog ako nang hindi niya ako pinansin.  Ay wow! Dinededma mo na ako ngayon Santillan ha!

Nakasimangot kaming mga babae habang nakatingin sa kanila na inaayos ang lamesa at mga inumin nila.

"Girls, let's go." Lahat kami napatingin kay Addie nang tumayo ito at naglakad papasok sa loob ng bahay.

"Saan tayo?" Tanong ni Heaven na tumayo na rin. Tulad ko ay simangot din ito at masama ang tingin kay Uno.

Stealing You Softly Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon