PROLOGUE

4.7K 74 0
                                    

Kate Pov:

"Anak wag ka na lang kaya tumuloy".

Nilingon ko si inay na naiiyak na nakatayo sa hamba ng pintuan. Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Inay hindi na po magbabago ang isip ko atsaka para din naman po sa inyo kaya po ako magtatrabaho e kaya tahan na inay". Naiiyak ako pero pinipigilan ko lang sapangkat ayokong mag-alala si inay.

"O'sya sige di naman na kita makukumbinsi, pero anak mag ingat ka, malayo ang maynila at madami pa namang masasamang tao dun."

"Opo nay ako pa ba mag iingat po ako para sa inyo. Ngumiti si inay kaya nginitian ko din sya."

"O sige ayusin muna yung mga gamit mo."

"Sige po."

Umalis na si inay kaya nag impake nako ng gamit ko. Iniisip ko pa lang na malayo nako sa kanila naiiyak nako dahil sobrang layo naman talaga ng maynila pero anong magagawa ko eh, sa naghihirap na kami meron namang sakahan si itay ngunit hindi sapat iyon para sa amin, kaya eto pupunta ako ng maynila upang maghanap ng trabaho at makatulong na din kila itay.

Pagkatapos kong mag impake ay lumabas nako ng aking silid at nakita ko ang aking pamilya na nag aantay sa sala.

"Ate ate pramis mo na bibilhan mo ako ng laruan ah".

"Ako din ate".

"Hay nako kayong dalawa Gelo at Gela di pa nga nakakaalis yung ate nyo kung ano ano na yung pinapabili nyo".

Napangiti ako at tumingin ako sa kambal na nakasimangot, kaya lumapit ako sa kanila.

" Promise kambal pag meron nakong trabaho at nagkapera nako bibilhan ko kayo ng laruan at damit at kahit ano pa yan".

Napangiti ako ng parehas silang tumalon at niyakap ako, kaya ginantihan ko ang yakap nila. Pagtapos ng yakapan namin ay tumayo nako at humarap kila inay at itay nakita kong nakangiti si itay habang si inay ay naiiyak.

" Itay inay aalis napo ako".

"Mag ingat ka anak wala pa naman kami sa tabi mo, lagi mo kaming tawagan, mamimiss kita anak. Naiiyak akong tumango kay itay. Niyakap ko muna sila bago ako lumabas ng aming bakuran at nakita kong nag aantay na sakin ang traysikel driver. Muli kong tinignan ang aking pamilya at kumaway bago sumakay, at dun na bumuhos ang luha ko pero walang magagawa ang pag iyak ko kailangan kong mag paka tatag sapangkat may pamilya akong naghihintay sakin.

Pagkababa ko ng traysikel ay nag pasalamat muna ako bago sumakay ng bus papuntang maynila. Habang nagmamasid ako ay di ko namalayan na nakatulog nako. Nagising lang ako ng naramdaman kong huminto ang bus. Pagkababa ko ay halos maubo ubo ako dahil sa mga usok ng sasakyan at sobrang baho dahil sa kumpulan na mga tao. Grabe ito naba ang maynila grabe mas maganda pa yung samin.

"Pasensya na miss di ka tanggap".

Nanlumo akong tumayo at nagpasalamat. Hays pang anim na beses na kong nag apply pero ganun pa din di ako tanggap dahil hanggang high school lang ang natapos ko. Paano na ito unang araw ko pa lang pero ito agad di ako tanggap hay buhay.
Habang naglalakad naramdaman kong tumunog ang tiyan ko saktong may nakita akong karinderya kaya dumiretso nako. Adobo at kanin at isang softdrinks lang ang binili ko. Habang kumakain ako ay napatingin ako sa pader at may nakadikit dun kaya tinigil ko ang kinakain ko at lumapit sa nakasulat at nakita kong naghahanap sila ng nanny.
Eto na ata ang chance ko para magkaroon ng trabaho. Binasa ko muna ang nakasulat dun tapos tinawagan ko ung numero. Ilang ring pa, hanggang sa may sumagot.

"Hello". Matanda ang sumagot.

"A-ahm, ako po pala si Keisha Kate Navarro, ah naghahanap daw po kayo ng nanny?"

 Babysitting The Billionaire Twins (COMPLETED)Where stories live. Discover now