CHAPTER 16

1.9K 38 0
                                    

Kate Pov:

Pagkatapos naming magluto ni sir Nicholas ay nauna na siyang umupo sa lamesa kasama ang kambal. Nagtataka pa nga si Jane at Liza kung bakit ako nakangiti.

Syempre masaya lang ako kasi kaming dalawa ni sir ang nagluto. Sino bang di mangingiti plus kikiligin.

Habang nasa hapag kainan ay katabi ko sa silya si Adrien. Habang nasa kanan naman niya si Adrian.

Nilunok ko muna yung kinakain ko bago ako humarap sa kambal kaya napatingin siya sakin.

"Uhm, kambal di muna ako yung maghahatid sundo sa inyo ah." Napasimangot naman si Adrien.

"But why? Nagtataka at may halong lungkot sa boses niya.

"Ano kasi, naubusan na tayo ng stocks ng pagkain kaya kailangan ko nang bumili."

Tumango naman silang dalawa at di na muling nagsalita. Napatingin ako kay sir Nicholas at sobrang gwapo niya habang kumakain, nakakainis pati sa pag nguya niya ay ang gwapo niya. Kainis.

Nanlaki ang aking mata ng napatingin siya sa direksyon ko kaya umiwas nako ng titig at inabala ko na lang ang aking sarili sa pagkain.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na sa taas ang mag aama habang ako kasama ang dalawa. Habang nagliligpit ng pinag kainan ay nagsalita si Liza.

"Oy, anong meron sa inyo ni sir?" Nangunot naman ang noo ko.

"Huh?" Nagtatakang tanong ko. Di na ako nagulat ng ngumisi siya ng nakakaloko at mahinang hinampas ang aking braso. Mas lalo akong nagtaka.

"Ay sus wag ka ng mag deny alam kong may namamagitan na sa inyo ni sir." Nakangising saad niya. Inirapan ko lang siya at pinagpatuloy kona ang pagliligpit.

Hanggang sa loob ng kusina ay inaasar parin niya ako. Saka lang siya tumigil sa pang aasar ng papasok na ang kambal.

Lumapit ako sa kambal na parehas nakasimangot, naku ang cute naman nila.

Parehas kong ginulo ang kanilang buhok.

"Hayaan niyo kambal ngayon lang naman e sge na gora na baka ma late pa kayo." Nakangiting saad ko.

Pagkatapos nun ay sumunod na si Liza sa kambal pero habang nasa hamba siya ng pinto ay nilingon muna niya ako bago nakangising umalis.

Natawa na lang ako at naghanda na upang mamalengke. Di kona nakita si sir Nicholas, at baka nasa trabaho na siya.

Pagkatapos kong mag ayos ay lumabas nako at nakita ko ang driver na naghihintay sakin kaya sumakay nako.

Pagdating sa palengke ay lumabas na ako at sinabihan ko lang ang driver na mauna na siya dahil kabisado ko naman na ang daan minsan narin kasi akong isinama ni manang noon pag mamamalengke siya.

Pumunta ako sa area ng bilihan ng isda ay bumili na ako at sinunod ko naman ang mga gulay at prutas, habang naglalakad ay di ko sadyang may naka bangga ako kaya parehas na nahulog ang aming mga pinamili.

Nanlaki ang aking mata ng makitang nabasag ang dala niyang itlog.

"Wtf aren't you looking at the road?" Galit na galit na saad niya. Napalunok naman ako at pinulot kona ang mga pinamili ko.

Madami naring tao ang nakiusyosyo samin ng lalaking nakabanggaan ko. Pagkatapos nmaing mapulot ang mga nahulog na pinamili ay nakayuko lang ako.

Hiyang hiya ako sa nangyari.

"S-sorry p-po." Nakayukong saad ko.

"Bulag ka ba, tingnan mo na lang yung mga itlog nagkanda basag na dahil sayo." Galit na saad niya.

"P-pasensya n-na p-po." Pagka angat ng aking ulo ay parehas nagtama ang aming mata. At sabay na nanlaki ang aming mga mata.

"Kio/ Kate." Magkapanabay na saad namin.

"K-kio i-ikaw ba yan? Nanlalaki ang mata na tanong ko. Nakangiting tumango siya. Siya naba talaga yan? Anlayo na niya sa dating kio.

"Oo naman bansot ako nga ito ang childhood friend mo si kio." Mayabang namulsa siya sa pants niya. Sa inis ko ay sinuntok ko ang dibdib niya omg ang tigas.

"Ikaw Kio kelan mo ba titigilan ang pang aasar sakin na bansot." Kunwaring naiinis na saad ko pero sa loob loob ko ay sobrang saya ko dahil nagkita ulit kami.

Napahawak pa siya sa baba niya." Hmm, pag namatay kana jok." Natatawang saad niya.

"Hays kahit kelan talaga bully ka padin." Naiilang na saad ko.

Yung mga nakiusyosyo samin ay umalis na. Lumapit sakin si Kio at nilagay niya ang braso sa leeg ko at kunwaring sinakal. At sabay na kaming lumabas ng palengke.

"Musta na Kio kelan kapa nakauwi? Alam ko kasing pumunta siya sa New York kasi andun ang business ng lolo niya na pinamana sakanya pero hanggang dun lang ang alam ko.

"Nung isang linggo lang kasi naboboring na ako sa new york so I went home to manila first."

Tumango tango naman ako.

"Ikaw anong ginagawa mo dito? Nagtatakang Saad niya. Napakamot naman ako sa ulo ko.

"Eh kasi naghihirap na kami kaya no choice ako kundi pumunta dito sa manila, atsaka nanny ang trabaho ko dito." Proud na usal ko. Dapat lang na proud ka sa trabaho sabi din yon sakin ni inay nung bata pa ako.

Tumango tango siya. "Wala kabang gagawin?

"Wala naman bakit?" Napakamot nanaman siya sa batok.

"Yayain sana kita kumain wag kang mag alala bayad ko."

Napangiti naman ako basta pagkain di ako tatanggi atsaka nagugutom nanaman ako hays ang bilis ko talaga magutom.

"Oo naman basta ikaw mag babayad."

"Kahit kelan talaga mukha kang pagkain kaya antaba mo e." Sanay na ako sa mga asar niya na ganyan kaya di na bago sakin yon.

"Hoy di kaya tingnan mo nga ang payat ko na nga e." Nakangusong usal ko.

"Tsk, ge sabi mo yan." Parehas na lang kaming natawa at sabay na kami umalis pumunta siya sa parking lot.

"Wow may kotse ka pala astig ah." Namamangha kong saad.

"Syempre mayaman na kasi ako." Sinuntok ko ang braso niya pero ako lang din ang nasaktan.

"Sira ang yabang mo." Napairap na lang ako.

Tumawa lang siya at pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat kaya pumasok na ako at umupo. Kinuha naman niya yung mga pinamili ko at ilalagay daw niya sa likod ng sasakyan niya kaya di na ako umangal.

Pagkatapos nun ay pumasok na siya sa driver seat at ngumiti muna siya sakin bago paandarin ang sasakyan.

 Babysitting The Billionaire Twins (COMPLETED)Where stories live. Discover now