Kate Pov:
THREE MONTHS, nako sa bahay nila sir Nicholas at close narin kami ng kambal pati ang tatlo ay close kona rin lalo na si Liza. Yung nangyari sa kwarto ni sir Nicholas ay okay na nag sorry na siya sakin hehe.
Andito ako sa kusina at naghuhugas, at ang kambal naman ay nasa sala at nanonood ng cartoons. Syempre kasama ko din yung tatlo, ewan ko nga kung ano yung pinag uusapan nila pero syempre ako naman nakikinig sa usapan nila.
"Balita ko nakauwe na si ma'am Ella?" Jane
"Oo nga e malamang na malamang ay pupunta yun dito para landiin nanaman si sir -Claire "Napakunot noo ako sino si Ella, tapos lalandiin si sir? Kaano ano kaya yun ni sir."
"Oo nga e, kahit nung buhay pa si ma'am Mika, pagnakatalikod si ma'am e nilalandi niya ng patago si sir buti na lang iniiwasan ni sir si ma'am Ella, syempre alam niyo naman na mahal na mahal kasi nila yung isa't isa pero nung namatay si ma'am wala na yung masayahing si sir Nicholas, hays kelan ko kaya makikita ang ngiti ni sir Nicholas." Mahabang lintanya ni Liza.
Ganun pala ang nangyari kaya di ngumingiti si sir Nicholas hays nakakaawa naman lalo na yung kambal di man lang nila naranasan na magkaroon ng isang ina na mag aalaga sa kanila. Ang swerte na lang ng iba kagaya ko na may magulang.
Napalingon ako sa pinto ng pumasok si manang. "Hoy kayong tatlo kesa mag chismisan kayo bakit di niyo na lang gawin ang mga trabaho madami pa kayang trabaho, kaya bilisan niyo dyan."
Bagsak balikat ma lumabas ang tatlo sa kusina. Lumapit sakin si manang at kinuha ang mga nahugasan ko ang pinunasan. Habang naghuhugas at nagpupunas ng plato si manang ay bigla siyang nagkwento.
"Hays simula mamatay si ma'am Mika ay naging malungkot ang bahay na ito, wala naring masayahing Nicholas tapos si Adrian ayun nagaya sa ama pero simula ng dumating ka Kate. Tumingin si manang sakin kaya napatingin ako at may ngiti sa labi ni manang. "Simula ng dumating ka Kate bumabalik na sa dati si Adrian ngumingiti na si Nicholas nahuhuli kong ngumingiti pero ang mga ngiti nila ay dahil sayo. Kaya maraming salamat Kate. Mahabang lintanya ni manang kaya nginitian ko siya pagkatapos ng aming ginagawa ay iniwan nako ni manang dahil maglalaba pa daw siya.
Dumiretso nako sa sala at nakita ko ang kambal na tumatawa sa pinapanood nila kaya hindi ko mapigilan na ngumiti, tingin ko tama si manang kaya gagawin ko ang lahat para bumalik sa dati.
Napatingin ang kambal sakin kaya masayang tumakbo si Adrien papunta sakin at niyakap ako, si Adrian naman ay hinabol si Adrien para kilitiin. Natatawa na lang ako sa kambal hays diko aakalain na mapupunta ako sa bahay na ito.
Akala ko kasi ay mahihirapan ako maghanap ng trabaho, pero sa awa ng diyos ay nagkaroon ako ng trabaho plus dito pa ko sa Templeton napunta.
Nabalik lang ako sa ulirat, ng tumunog ang de keypad ko na cp, napatingin ako sa screen at si inay ang tumatawag kaya napatingin ang kambal sakin.
"Uhm Adrien at Adrian pupunta muna ako sa garden tumatawag kasi si inay e."
"Sge po ate Kate take your time naman po." Nakangiting ani ni adrien, kaya ginulo ko ang buhok niya at pinisil ang matambok niyang pisngi. Hehe ang cute kasi. Tinignan ko si Adrian at nakangiti siya kaya nginitian ko din siya at ginulo ang buhok niya.
Kung nagtataka kayo kung bakit ate Kate na ang tawag nila sakin at hindi na nanny, ewan ko nga kung anong sumapi sa kambal at naging ate Kate pero ok na din ang ate Kate noh kesa sa nanny.
Nang makarating ako sa garden ay sinagot kona ang tawag. "HELLO ATEEEEE!!" Nailayo ko ang de keypad kong cp ng sumigaw ang kambal. Natatawa na lang ako mukang namiss ako ng kambal ah. Last time na nag usap kami eh nung nasa school pako nun tapos si inay lang ang kausap ko.
"Namiss bako ng kambal na yan?" Nakangiti kong ani sa kambal kong kapatid. "JQKDOCMDOCNWOGJ".
Diko na maintindihan ang pinagsasabi nila hays nag aagawan nanaman sila sa cp."Teka lang kambal isa isa lang kasi." Tingin ko si Gela na ang may hawak ng cp.
"Ate kelan ka uuwe dito miss na miss kana kasi namin."
Diko pa alam kambal pero sasabihan ko kaagad kayo kung kelan.
Nag usap pa kami hanggang sa pinatay kona ang tawag. Pabalik na sana ako sa loob ng maramdaman kong may nakatingin sakin, ng tignan ko ang balcony ni sir Nicholas ay wala naman napailing na lang ako. Nang wala namang nakatingin ay pumasok nako sa loob at nagsimula na ulit magtrabaho.
(Sorry po kung maikli masyado pa kasi akong lutang) DON'T FORGET TO VOTE, FOLLOW AND COMMENT.
Yun lang po salamaat.❤️❤️❤️
YOU ARE READING
Babysitting The Billionaire Twins (COMPLETED)
Short StoryDahil sa hirap ng buhay nila Kate ay wala syang choice kundi ang magtrabaho sa maynila kung saan malayo sa pamilya nya. Sa pagpunta mo ng maynila dimo aakalain na ang magiging trabaho mo ay maging nanny at ang masaklap ay twins pa. Pero habang tumat...