Kate Pov:
Maaga akong nagising dahil may pasok pa ang kambal. Kaya naligo muna ako bago lumabas ng kwarto. Nadatnan ko si manang na nagluluto ng almusal. Nang makita ako ni manang ay binati ko siya.
"Good morning manang." Nakangiti kong saad kay manang nginitian din ako ni manang. "Good morning din iha."
Tinulungan ko si manang maglagay ng plato sa lamesa bali tatlong plato lang ang nilagay ko. Nilagay kona din sa lamesa ang kanin ulam at yung juice. Syempre di mawawala ang kape ni sir.
Saktong patapos nako ng bumaba ang mag aama. Bigla akong napatingin kay sir, ang pogi kasi niya sa suot niya,nakatupi hanggang siko ni sir ang white longsleeve niya at ang dalawang butones ay nakabukas kaya nakikita ang dibdib niya, at ang pang ibaba naman niya ay black pants na bumagay sa suot niya at nasa kanang braso naman niya ang blazer.
Napakagwapo ni sir sa suot niya, natulala ako, nabalik lang ata ako sa ulirat ng binangga ako ni Liza sa balikat, epal naman itong bruhang ito.
"Uy baka matunaw si sir." Kinikilig na saad ni Liza na akala mo nilagyan ng asin ang pwet.
"Ewan ko sayo."
"Sus indenial pa gusto mo naman." Naapektuhan ako bigla sa sinabi ni Liza pero di ko ipinahalata.
Tinalikuran kona siya at nilapitan ang mag aama na nakaupo na sa harap ng lamesa. "Good morning sir, Adrian, Adrien. Tumango lang si sir. At ang kambal ay binati ako pabalik.
Nilagyan ko ng pagkain si Adrien, kasi si Adrian ay kaya na daw niya. Nilingon ko si sir at wala pang pagkain sa plato niya kaya tinanong ko siya na nagdulot upang tumingin siya at para magtama ang aming paningin.
"Sir gusto niyo po na ako na maglagay sa plato niyo. Di rin niya kasi malagyan ang plato niya dahil may kachat na kung sino si sir. Tumango na lang siya kaya sinandukan kona na siya ng kanin.
Pagkatapos kong lagyan ang plato ni sir ay biglang nagsalita si sir.
"Sumabay kana samin." Nahihiyang umiling ako.
"Busog pa p-" nahinto ang sasabihin ko ng bigla na lang tumunog ang tiyan ko, bwisit ka naman tiyan bakit kasi di ka nakisama.
Mahinang tumawa si sir, dahilan para may kung anong paro paro ang lumipad sa tiyan ko. Nang tignan ako ni sir ay may konting ngiti sa labi niya na madalas lang mangyari.
"Manang,give him a plate." Nakangising saad niya kay manang. Bumalik si manang sa kusina at ng kunin ko sa kanya ang plato ay may panunukso sa labi niya. Pati ang tatlo sa likod ni manang ay ganun din.
Napailing iling ako para silang tanga, nahihiya na nga ko dito e. Pagkaupo na pagkaupo ko ay muling tumunog ang tiyan ko tumawa ang kambal pati si sir ay mahinang natawa.
Nahihiyang kumuha ako ng kanin at ulam, pagkakuha ko ay kumain na agad ako eto na wala nang hiya hiya, basta pagkain. Pagkatapos kong kumain ay tinignan ko si sir at may mangha sa mata niya kaya medyo nahiya ako.
Pagkatapos naming kumain ay umalis na kami, si sir na ang maghahatid samin sa school ng kambal. Sa backseat nakasakay ang kambal at sa harap kami ni sir sumakay.
"Kate." Nilingon ko si sir ng tinawag niya ko pero, ang tingin niya ay sa kalsada para di kami masagasaan. "Ano po iyon sir."
"Ako ang magsusundo sa inyo kaya antayin niyo ko mamaya." Ah siya pala ang magsusundo samin kaya tumango ako kay sir at ngumiti dahilan upang matulala si sir.
Hala bakit siya natulala baka masagasaan kami. Kinalabit ko siya dahilan upang bumalik siya sa pagkatulala. Kaya bumalik na ang tingin niya sa harap.
"Sir kinalabit ko na po kayo kasi baka masagasaan po tayo." Tumango lang siya. Dahil curious padin ako kung bakit natulala si sir ay tinanong ko ulit siya.
"Sir bakit po kayo natulala kanina?"
"A-ah nothing." Tumango tango lang ako at di na nagsalita. Tinignan ko ang kambal at ayun busy sa pag tatablet kaya tumingin na lang ako sa labas.
Nang huminto ang sasakyan ay bumaba na kaming tatlo. Papasok na sana kami ng tawagin ako ni sir, nilingon ko siya.
"Wag mong kakalimutan ang sinabi ko kanina." Tumango ako at ngumiti. Natulala naman si sir, nagtaka nanaman ako di kaya may dumi ako sa mukha.
"Sige po sir, baka malate ang kambal." Namumulang tumango si sir.
Natawa ako sa loob loob ko, ang cute kasi ni sir habang namumula. Haha
Pinapasok kona ang kambal at pumunta kung saan ako laging nagtatambay. Nang makaupo ako ay bigla kong naisipan tawagan sila inay kaya kinuha ko sa bulsa ko ang de keypad ko na cp at hinanap ko sa calls ko ang number ni inay.
Nang mahanap ko ay tinawagan kona wala pang 2 minuto ay sinagot na ni inay ang tawag. Bigla na lang akong ngumiti, hays namimiss kona sila.
"Hello anak". Hayss namimiss kona ang boses ni inay.
"Hello po inay, kamusta po dyan?"
"Ayos lang kami anak, ikaw ba? miss na miss kana namin anak lalo na ang kambal." Nalungkot ako dahil talagang miss na miss nako ng kambal nung andun pa kasi ako ay close na close kami ng kambal.
"Miss na miss kona din po sila inay. Kumain napo ba kayo? Yung kambal si itay nasa sakahan nanaman poba?" Narinig kong bumuntong hininga si inay kaya alam kong nasa sakahan nanaman si itay.
"Pasensya kana anak kahit anong pilit ko sa tatay mo ayaw talaga mapilit kaya wala nakong magawa." Napabuntong hininga na lang ako. Di na talaga namin mapipigilan si itay.
"Pero inay wag mong hayaan na araw araw mag trabaho sa sakahan si itay ha." Nalulungkot na saad ko kay inay.
"Opo anak." Natawa ako piling ko nga ako na ang nanay samin ni inay e haha.
Nag usap pa kami ng matagal ni inay hanggang sa tinapos kona dahil nagugutom nanaman ako.
Naghanap ako ng kahit street food sana ang kaso wala kaya ang ginawa ko ay naghanap pa ako hanggang sa nakakita ako ng 7 eleven kaya pumasok nako.
Bumili lang ako ng pagkain, at dun kona sa loob kinain. At pagbalik ko sa school ng kambal ay saktong tumunog ang bell hudyat na uwian na nila.
Sinalubong ko ang kambal sa labasan nila, dahil wala pa ang papa nila ay naglaro muna sila.
THANK YOU PO DAHIL NAGUSTUHAN NIYO ANG STORY KO I HOPE SUPORTAHAN NIYO PADIN ANG STORY KO HANGGANG SA MATAPOS PO ITO TY PO ULIT❤️❤️
YOU ARE READING
Babysitting The Billionaire Twins (COMPLETED)
Short StoryDahil sa hirap ng buhay nila Kate ay wala syang choice kundi ang magtrabaho sa maynila kung saan malayo sa pamilya nya. Sa pagpunta mo ng maynila dimo aakalain na ang magiging trabaho mo ay maging nanny at ang masaklap ay twins pa. Pero habang tumat...