Kate Pov:
Ganun nga ang ginawa namin ni Kio pumunta kami ng mall tapos kumain kasi sa restaurant diko alam kung anong klaseng restaurant. Pagkatapos nun nag gala gala kami, syempre di mawawala ang paboritong naming ice cream.
Simula pagkabata namin ay ice cream na ang paborito namin minsan siya ang nanlilibre pero minsan ako. Hays namimiss ko yung dating kami na walang iniisip, yung iniisip lang namin e kung paano makakaiwas sa palo ng magulang tapos makipaglaro sa mga kaibigan.
Pero ngayon marami na kaming problema pero kahit ganun kami ni Kio ay di naman namin nakalimutan ang isa't isa. Dahil bumibisita naman siya samin, pero bihira lang dahil napakabusy na niyang tao.
Naudlot lang ang aking pag iisip ng marinig kong magsalita si Kio.
"San ka dito sa manila nakatira? Nang tignan ko siya ay nasa daan parin ang tingin niya.
Tinuro ko sa kanya kung saan ako nakatira. Habang nasa daan ay nagkwekwentuhan kami ng kahit ano kahit nga nung bata pa kami kaya tawang tawa ako kami.
Sa sobrang busy ko katatawa ay diko namalayan na andito na pala kami sa tapat ng bahay ni sir. Napatingin ako kay Kio ng bumaba siya sa kanyang sasakyan. Pagkatapos ay pumunta siya sa passenger seat at binuksan niya ang pinto.
Napangiti ako dahil napaka gentleman niya.
Pumunta siya sa likod ng kotse niya at kinuha ang pinamili ko kaya nakangiti kong kinuha yon sa kanya.
"You live here?" Nagtatakang napatingin siya sa bahay ni sir Nicholas.
Tumangong ngumiti ako sa kanya.
"Salamat Kio sa paghatid sakin ah." Buong puso kong pasasalamat. Nakangiting ginulo niya ang buhok ko.
"Ano kaba bansot wala yon." Saka napamulsa siyang tumayo ng tuwid sa harap ko. Napasimangot naman ako kasi naman inasar nanaman niya akong bansot.
"Nakakainis ka talaga." Kunwaring naiinis ako.
Tumawa lang siya ng mahina. "Pumasok kana inaantay kana ata ng kaibigan mo." Ininginuso pa niya ang pinto sa loob kaya napatingin ako sa nginunguso niya at natawa ako ng makitang si Jane gabe kung kiligin.
Napailing iling na lang ako pagkatapos ay nilingon ko si Kio na nakangiti na nakatingin sakin medyo nailang ako pero ngumiti padin ako.
"Sige na Kio alis kana papasok na rin ako." Napakamot naman siya sa batok niya dahilan para mangunot ang aking noo.
"Oh bakit?" Nagtatakang tanong ko at ang dalawa kong kamay ay may hawak na plastic na pinamili ko kanina.
"Can i hug you? Naiilang na saad niya. Natawa ako ng mamula ang tenga niya. Napangiti na lang ako.
"Oo naman noh at-. Diko na natapos ang sasabihin ko ng sunggaban niya ako ng yakap, di ko magantihan ang yakap niya sapangkat may hawak akong plastic sa magkabilang kamay ko.
Pagkatapos ng ilang minutong yakapan ay kumalas na siya at napapakamot na nagpaalam sakin kaya napailing iling na lang ako.
"Ingat." Pahabol na sigaw ko." Binuksan niya ang bintana ng driver seat at nakangiting kumaway sakin at sabay sabing salamat. Pagkatapos nun ay umalis na siya.
Saktong pag alis ni Kio ay paglapit naman sakin ni Jane. Kinuha niya sakin ang ibang pinamili at sabay na kaming pumasok.
"Sino yon?" Nanunuksong tanong niya.
"Gaga kababata ko." Binangga naman niya ang balikat ko at nanunuksong ngumisi.
"Edi wow kababata lang ba?"
"Baliw oo nga hahaha." Natatawang saad ko, kahit sa loob ng kusina ay di niya ako tinigilan, kesyo bagay daw kami ni Kio tapos maganda daw ako at pogi si Kio et cetera. Nababaliw na talaga siya kaibigan lang ang turing ko don wala ng iba.
𝐅𝐚𝐬𝐭 𝐟𝐨𝐫𝐰𝐚𝐫𝐝:
Nang makarinig ako ng busina ay agad akong lumapit sa pinto upang salubungin ang kambal. Nakangiting kumaway ako sa kanila ng makitang malapit na sila at nasa likod nila si Liza.
Masayang sinalubong ko sila at ganun din ang kambal, agad kong kinuha ang bag nila.
"Kamusta ang school niyo?
"Ok lang naman ate." Sabad ni Adrian. Ganun din si Adrien ng tanungin ko siya, kaya inutusan ko na lang silang maligo na dahil alam kong pinag pawisan sila sa school.
At dahil hapon na ay naglinis muna ako at mamayang ala sais na ako magluluto. Habang nagwawalis ay nakita ko sa peripheral vision ko na bumaba na ang kambal.
Nakasuot lang naman sila ng pajama na terno na bumagay sa kanila. Naks ang pogi naman ng kambal manang mana sa tatay malamang na malamang paglaki nila ay madami silang mapapaiyak. Syempre joke lang.
Pagkatapos kong magwalis ay lumapit sakin si Adrien at gusto daw niyang manood kaya pinaupo ko siya sa harap ng tv at binuksan na iyon. Habang si Adrian ay nagbabasa.
Pinanood lang naman ni Adrien ay Tom and Jerry, tinanong ko nga siya noon kung bakit lagi na lang Tom and Jerry ang pinapanood niya ang sabi niya ay paborito niya daw yun. Nagkibit balikat na lang ako nun.
Nang mag sapit na ang ala sais ay dumiretso na ako sa kusina at nagluto lang naman ako ng sinigang na baboy dahil yun ang ni request sakin ni Adrien.
Pagkatapos kong lutuin ang sinigang na baboy at nilagyan ko na ang malaking mangkok ng ulam at inilagay na sa lamesa. Pagkatapos nun ay naglagay din ako sa isa pang mangkok ng kanin.
Pagkatapos nun ay tinawag ko na ang kambal at sabay na sana kaming tatlo kumain dahil ang dalawa ay mamaya pa kaya nauna na kami kumain.
Pagkatapos naming kumain ay pinaakyat kona ang dalawa at sinabihan na mag toothbrush na sila dahil baka masira ang ngipin nila. At ako naman ay hinugasan ko na ang pinag kainan namin.
Pagkatapos nun ay dumiretso ako sa second floor at pinuntahan ko ang kwarto ng kambal at nakita kong gumagawa sila ng assignment kaya hinayaan ko na lang.
Dahil maaga pa naman at malinis naman na ang sala ay dumiretso ako sa kusina at nakita ko yung dalawa kumakain kaya tumabi muna ako sa Kamila dahil maboboring lang ako sa kwarto Pag dumiretso agad ako nun atsaka may nagtutulak sakin na antayin ko si sir.
Pagkaupo na pagkaupo ko sa tabi ni Liza ay hinampas naman niya ang braso ko dahilan upang lumaki ang mata ko sa gulat.
"Ikaw ha dimo sinabi sakin na may poging fafa ka pala na kababata asus ang landi mo." Nagtatampong saad niya. Natawa naman ako ng mahina sabi na e basta pogi walang inaatrasan.
"Oh bakit ka tumatawa diyan andaya mo dapat pinakilala mo ko e." Pabiro kong hinampas siya.
"Gaga, wala ka naman e atsaka bakit naman kita ipapakilala dun bakit papatulan kaba nun."
"Awts anteh ah sakit mo." Madramang humawak siya sa dibdib niya. Parehas kaming natawa ni Jane dahil sa kadramahan niya. Hanggang sa andami pa naming pinag usapan at naudlot lang ng may tumawag sakin.
YOU ARE READING
Babysitting The Billionaire Twins (COMPLETED)
Short StoryDahil sa hirap ng buhay nila Kate ay wala syang choice kundi ang magtrabaho sa maynila kung saan malayo sa pamilya nya. Sa pagpunta mo ng maynila dimo aakalain na ang magiging trabaho mo ay maging nanny at ang masaklap ay twins pa. Pero habang tumat...