PART III

1 0 0
                                    

"H-huh?"

"Uhm, actually, there's something I wanted to return to you."

Di ko alam if may ikukunot pa ang noo ko pero ang tanging alam ko lang ay kinakausap niya ako ngayon! He's talking to me! Talking!

Pero sandali? Return? Sa pagkakatanda ko, yung camera ko lang ang nakalimutan ko sa kwarto ni Samantha, at naibalik naman na niya iyon sa akin.

Napabalik lang ang atensyon ko sa kanya nang muli siyang magsalita. "Can we talk somewhere else?"

Ay. Oo nga pala. Nasa tapat kami ng washroom. Hindi naman maganda kung dito kami magchikahan no? Tumango nalang ako sa kanya kasi sa totoo lang, yung boses ko parang unti unti nang naglalaho sa kaba.

"Sa rooftop nalang tayo, okay lang ba?" Um-oo nalang din ako. Hindi ko rin mapigilang isipan na sa rooftop nangyayari lahat ng mga romantic scene 'diba?

Kikiligin na sana ako nang mapagtanto ko ring doon din nagaganap ang mga murder scene. Tsk. Parang sinasabi ng utak kong huwag akong masyadong umasa.

Nakarating na kami sa rooftop at pareho lang kaming tahimik. Medyo hingal din ako dahil ilang hagdan din ang pinagdaanan ko. Hindi tuloy nakaligtas sa isipan ko na sana nagpalagay nalang sila ng elevator. Pero kung iisipin, mas dramatic nga ang hagdan sa ganitong sitwasyon.

"U-Uhm, Eunice..."

Napaangat ako ng tingin nang tawagin niya ako sa aking pangalan. This time, mukhang ito na nga ang moment na pinakahihintay ko. Aamin na ba siyang may lihim siyang pagtingin sa akin?

Pero ano muna yung ibabalik niya?

Nakita kong may kinuha siya sa bulsa niya. Iaassume ko na sanang singsing iyon pero nang makita kong wallet...tinigil ko na lahat ng pagpapantasya ko. Siguro ay may babalik lang talaga siya.

"Here. This is yours, right?" Sabi niya sabay abot sa akin ng isang wallet size picture. Confuse man ako ay tinanggap ko iyon bago tignan kung ano ang nasa picture.

It was...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
HIS PICTURE!!!

Asdfghjkl bakit nasa kanya 'to?!

Sa totoo lang, pinaprint ko to kasi na-cute-an ako sa kanya dito. Eto yung time na umakyat siya sa stage para mag-speech dahil parte si Vien ng student council. 'Di man halata, pero miyembro ako ng campus journalism at nasa field ako ng photojourn kaya naman sakin nakatalaga ang pagkuha ng mga pictures.

Ilalagay ko pa sana 'to sa scrapbook kaso bigla nalang nawala. Akala ko naipit ko pa sa mga dati kong notebook tapos napatimbang ko na sa junkshop. To think na nasa kanya pala all this time!!

Siomai, mani, popcorn! Nakakahiya!!!

Iniisip niya na siguro na weird ako, and creepy! O kaya naman stalker!!!

Okay, handa na akong kainin ng lupa! Bumukas ka na, ano pang hinihintay mo? Pero bago ang lahat, e-exit na ko sa eksena'ng to. Wala naman akong balak na pahiyain pa sarili ko. May hangganan din naman ako kung hanggang saan lang ang kaya kong i-tolerate!

"Uhm. Vien. T-Thank you sa pagbalik. Sige, sibat na ko, hehehe," sabi ko sabay takbo papunta sa pinto. Hindi ko na tinignan reaksyon niya dahil kung gusto kong makaalis dito kaagad, eh wala dapat tayong sinasayang na oras. I bet nawi-weirduhan na talaga siya sa akin.

"Ah, Eunice! Wait!" Di ko pa man din nabubuksan 'yung pinto eh nahawakan niya na yung braso ko para 'di ako makaalis. Kung nasa loob kami ng nobela o pelikula, magandang scene na 'to for love confession, kaso hindi!!!

Totally Captured | Completed | Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon