PART I

7 0 0
                                    

"Smile!" masaya kong wika sa aking Corgi na si Cookie. Napangiti ako nang makitang ginawa niya ang sinabi ko. Para talaga siyang nakangiti sa camera. Ang cute! 

Muli ko pa siyang kinuhanan ng tumunog ang notification ng phone ko. Agad ko naman iyon tinignan at nakita ang pag-like ng isang tao sa picture na kinuhanan ko kahapon. It was a sunset na pinost ko sa Instagram.

"OMG, Cookie!" sigaw ko at sabay lingon sa aso ko na prenteng prenteng nakaupo sa kanyang tulugan. Inihilig niya pa ang kanyang ulo, na para bang nag-iisip kung ano man ang dahilan kung bakit ko siya tinawag.

I just couldn't help but to smile. This is the first time na ni-like niya ang picture na pinost ko. Though, matagal na naming pina-follow ang isa't isa, malaking bagay na rin ito no! Hindi niya naman kasi usually pinapansin ang mga pinopost ko. Almost a year na rin nung finollow ko sya at umabot pa ng three months bago niya ko i-follow back. Though, medyo nagegets ko naman kung bakit, hindi naman talaga kami close, magka-schoolmate lang.

"Cookie, sa tingin mo may ibig sabihin iyong pag-like ni Vien?" tumahol siya sa akin sabay wagaywag ng kanyang buntot. Mukhang agree naman sa akin si Cookie pero masyado naman akong assumera kung iisipin kong gano'n nga. Napatawa nalang ako at sabay iling ng ulo.

Well, let's just prepare snacks for today!

Papunta na ako ng kusina nang bigla muling tumunog ang aking cellphone. Tinignan ko iyon at another shocking event na naman ang bumungad sa akin. It's Samantha! Hindi rin kami masyadong close nito. Another thing, she's Vien's twin sister.

Nagmessage siya sa akin na agad ko namang binasa.

Samantha: Hi, Eunice! May I ask you if p'wede kang maging photographer namin this coming Friday? Birthday kasi ni Josh.

O–kay? Wait? Di ko masyadong madigest ang mga nangyayari. Yes, tumatanggap ako ng mga ganitong klaseng sideline, dagdag allowance na rin kasi. Ilang beses na rin naman akong na-hire sa mga ganito pero di ko maiisip na kukuhanin ako nila Samantha.

Oh well, bahala na. Okay lang naman sa akin since summer naman at wala akong pinagkakaabalahan bukod sa pagpo-photoshoot ko kay Cookie. 

Nagreply ako sa kanya at nagtanong na rin kung anong oras ako pupunta. Napag-usapan na rin namin ang price at kung ano ano pang bagay.

Bunsong kapatid nila si Josh, and if I'm not mistaken, he's already five.  Apat silang magkakapatid, sumunod kanila Samantha at Vien ay si Denise na nasa twelve years old pa lang. Mas matanda lang ng isang taon sa akin sila Vien pero pareho kami ng kambal na nasa third year college na. At oo na, ako na itong maraming alam sa pamilya nila.

"Hi, Eunice! Tara pasok ka!" bati sa akin ni Samantha nang makarating na ako sa kanila. Ang masasabi ko lang ay ang ganda niya at mas lalo pa syang gumanda sa dress niyang kulay puti. Bagay na bagay sa kanya. Para na nga siyang diyosa eh. Sa totoo lang, nasobrahan ang ingredients ni Lord sa ganda at gwapo ng mga miyembro ng pamilyang ito.

Nakapasok na kami sa loob at hindi ko mapigilang ilibot ang mga mata ko sa kabuuhan ng bahay nila. Gawa sa marmol ang sahig nila na pinaghalong kulay beige at white. Mas naging maaliwalis tuloy ang bahay nila. Isama mo pa yung mga furnitures na meron dito, my poor ass can't relate.

"Nasa pool area ang party. Request kasi ni Josh. May mga ilang bisita na rin na nandito pero 'di pa naman nagsisimula," wika niya habang naglalakad kami bandang likod ng bahay nila kung saan matatagpuan ang kanilang pool area. Malaki ito at hindi ko mapigilang mamangha. May damuhan sa gilid at sa tingin ko ay doon magaganap ang party. Ilang metro pa ang layo ng pool kaya safe naman na dito nila i-celebrate ang birthday ni Josh. Hindi na rin naman mainit dahil dapit hapon na rin gaganapin ang party.

Totally Captured | Completed | Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon