PART II

4 0 0
                                    

Natapos ang kantahan at nag-blow the candle na rin si Josh. Mabuti na lang talaga at maganda ang kuha ko dito. Nakakahiya sa kanila, baka isipin nilang hindi ko inaayos ang trabaho ko. Nagkaroon din ng picture-taking ang mga bisita kasama ang celebrant. Maya maya lang ay nagsimula nang magsikainan. Tinawag ako ni Samantha at sinenyasang lumapit. Ganoon nga ang aking ginawa. 

"Kumain ka na rin, Eunice," wika niya sa akin habang nakangisi. Hindi ko alam kung ano pinapahiwatig no'n pero pakiramdam ko eh may alam siya na hindi ko alam.

"Iha, kumuha ka na ng pagkain." Napabaling ang atensyon ko sa kanilang ina na nakangiti at palapit sa amin ni Samantha. May katandaan na ito pero litaw pa rin ang kagandahan.

Nginitian ko siya at tinanguan. Isinabit ko na sa aking leeg ang camera. Mamaya ko na lang siguro titignan ang mga litrato. Lumapit ako sa mahabang mesa na punong puno ng mga pagkain. Pero bago ako kumuha ng kakainin ko ay nilibot ko ang aking paningin sa paligid. 

Wala si Vien.

Bigla ko tuloy naalala ang nangyari kanina. Naramdaman ko na uminit muli ang aking pisngi. Bakit niya ba kasi hinawakan yung kamay ko eh p'wede niya namang iabot na lang yung camera, diba? Nagwala tuloy pati laman at loob ko. At bakit kailangan niya pang sabihin yung 'ang ganda'?

Aish! Nag-aassume tuloy ako dito. Baka kasi kind gesture lang niya iyon tas eto naman ako, nilalagyan ng malisya.

Kumuha na lang ako ng pagkain. Ikakain ko na lang ito. Naghahanap na ako ng mauupuan nang biglang may kumuha sa plato ko. Mabilis iyon at halos hindi ako nakapag-react kaagad.

"V-Vien?" utal kong wika. Aware ako na nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Sino ba kasing hindi magugulat sa ganoon?

"Bakit mo kinuha pagkain ko?" Hindi ko napigilang magtanong. Clueless naman kasi talaga ako kung bakit nga. Eh ang daming pagkain sa mesa, tapos sa akin yung kinuha niya. 

Bahagya siyang natawa sa tanong ko at sinenyasan niya akong sumunod sa kanya. Naguguluhan man eh sumunod na lang ako. Nilapag niya ang plato ko sa isang mesa hindi kalayuan sa mga bisita. Hinila niya pa ang upuan bago ako tignan. Para bang sinasabi niya sa akin na umupo ako doon.

Halos hindi na talaga ako makahinga sa ginagawa niya. Gusto niya ba akong ma-solo ngayon? Ayaw kong lagyan ng malisya. Ayaw kong lagyan ng malisya!

"Dito ka na umupo. Dito kami nila Samantha at Denise," wika niya nang mahalatang naguguluhan ako. Doon lang ako napatango nang marealize ko kung ano ang sinabi niya. Leche, wala palang malisya! At oo, naiinis ako dahil sana pala meron na lang malisya.

Umupo na ako sa upuang hinila niya. Gets ko na kung bakit dito ako uupo. "Kukuha lang ako ng pagkain. Nagpalit lang ng damit si Denise at Sam," sambit niya bago ako iwan doon. Napangalumbaba na lang ako at parang nawalan ako ng ganang kumain. Naiinis ako sa sarili ko dahil masyado akong assuming.

"Hi ate!" napalingon ako kay Denise na umuupo na sa katabi kong silya. Kinawayan niya ako at ngumiti ako sa kanya. Napansin kong mataman siyang nakatingin sa akin. Nahiya tuloy ako. Nagtataka siguro siya kung bakit suot ko ang damit ng ate Samantha niya.

"Akala ko hindi na ibibigay sa iyo 'yan ni Kuya."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Bigay ng...kuya niya? Eh diba kay Samantha 'to? 

"H-huh?"

Tinuro ni Denise ang ulo ko na mas lalo ko pang ipinagtaka. Wala sa sarili kong hinawakan ang ulo ko at doon ko narealize na nakasuot ako ng beret hat.

Bahagyang luminga linga si Denise. Lumapit pa siya sa akin nang husto at bumulong. "Ssshhh lang ito ate ah. Bawal malaman ni kuya na sinabi ko sa iyo." Napatango tango na lang ako. Kinakabahan ako sa sasabihin nitong si Denise.

"Nahihiya raw kasi siyang ibigay iyan kaya sabi niya h'wag na lang daw. Hinihingi ko pa nga sa kanya iyan eh kasi di naman pala niya ibibigay sa iyo. Tapos ayaw niya pa rin ibigay sa akin. Di raw kasya sakin. Bilhan niya na lang daw ako ng iba."

Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Buong mukha ko na ata ang namumula. Parang ayaw ko pang maniwala, baka kasi ginu-good time lang ako nitong si Denise.

"Jino-joke mo lang ata ako, Denise eh," nahihiya ko pang wika at napatawa pa nang hilaw.

Mariin siyang umiling sa akin. "Pinipilit pa nga siya ni ate Sam na ibigay na sa'yo. Doon nga kita nakilala ate eh. Na-curious kasi ako kung kanino niya iyan ibibigay. Tapos pinakita ni ate Sam sa akin picture mo, ate."

Hindi ko alam kung may ilalaki pa ba yung mata ko. Pareho kaming napatahimik ni Denise nang dumating si Vien. "Asan na ate mo, Denise?" tanong niya sa kapatid na nagkibit balikat lang. Nasa pagkain nalang ang mga mata ko pero lumilipad na yung isipan ko. Hindi ko magawang ma-digest ang lahat lahat.

Dumating na rin si Samantha at binigyan ako ng isang makahulugang ngiti. Naalala ko ang sinabi niya kanina.

"Ano kaya magiging reaksyon niya? Excited na akong makita!"

Si Vien ba ang tinutukoy niya? Kung ganon ba ay...shit! 

Agad kong kinuha ang baso ng tubig na nakalagay sa mesa namin at tuloy tuloy kong nilagok ang laman. Pero parang hindi pa enough iyon dahil nanunuyo pa rin ang lalamunan ko. "Okay ka lang, Eunice?" dinig kong tanong ni Samantha sa gilid ko.

"O-oo," Hindi ako okay! Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kahit na presko naman dito eh pinagpapawisan pa rin ako ng malamig. Nagtaas ako ng tingin at nagtama ang mga mata namin ni Vien. Mas lalo pa tuloy akong kinabahan. Ramdam na ramdam ko ang pagwawala ng kung ano man ang nasa tiyan ko.

"Excuse me, washroom lang," wika ko at agad na umalis sa table. Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ang washroom pero isa lang ang gusto kong gawin, gusto kong huminga! 

Iniwan ko sila doon na nagtataka. Buti na lang nakasalubong ko ang Mommy nila at sa kanya ko na lang tinanong kung nasaan ba yung washroom. Pagkadating ko roon ay agad kong sinara ang pinto at ini-lock. Doon ko narealize na sobrang pigil ng aking hininga.

"My gosh, my gosh, my gosh, my gosh," paulit ulit kong sabi na parang iyon na lang ang mga salitang kaya kong sabihin. Napakagat ako sa ibaba kong labi at alam ko mismo sa sarili kong para akong timang dito na nakangiti. Pinaypayan ko pa ang aking sarili dahil kailangan kong kumalma. Kailangan kong kumalma! 

Isang malalim na paghinga ang ginawa ko. Hindi naman ako puwedeng magtagal dito baka isipin nila tumae na ako. Mas lalong nakakahiya naman ata no'n. Magpapaalam na lang siguro ako na uuwi na. Nawawala ako sa sarili ko dahil sa mga nalaman ko.

Hindi na rin ako sigurado kung makakasurvive nga ako ngayong gabi. Gusto ko mang itangging kinikilig ako, pero leche, kinikilig nga ako!

Pagkalabas na pagkalabas ko eh ang kaninang kalmado ko na puso, eh nagwala na naman. 'Di kalayuan sa washroom ay isang binatang nakasandal sa pader at nakahalukipkip. Nagtama muli ang aming paningin.

Para akong natataranta na hindi ko alam nang magsimula siyang lumapit sa akin. Ngayon, magkatapat na kaming dalawa at ilang pulgada na lang ang lapit niya sa akin! Shit, yung puso ko! 

"May I have your time for a moment?" bungad niya. Kahit na di na maayos ang sistema ko eh nagawa ko pang ikunot ang noo ko sa sinabi niya.

"H-huh?"

Totally Captured | Completed | Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon