CHAPTER 55 Investigation

66 26 0
                                    

Nasa byahe parin kami ni casfer habang ako ay tahimik lang na naka upo at naka tingin sa kawalan.

"Babe?"

E pano ba Naman kasi....... Nakakaloka
Buhay daw ang kuya ni casfer!

"Babe?"

Pero kung buhay siya bakit ngayon lang siya nag paramdam ?
At paano nangyari ang bagay na iyon?
Hindi naman sa hindi ako natutuwa na buhay ang kapatid ni casfer..
Shempre masaya ako para kay casfer..
pero di ko din maiwasan na mag taka at mag duda......

Hindi kaya......

"Babe!"

"Ay bakla!" Napasigaw nalang ako nf bigla akong sigawan ni casfer

"are you okay? Kanina pa kita tinatawag pero ang lalim ng iniisip mo" asik nito.

"Ah oo , may naalala lang kasi ako"

I sight, bigla akong napatingin sa kanya ng hawakan niya ang kamay ko ay nginitian

"You don't have to worry " nakangiting sambit nito sa akin

Pano kaya Niya nalaman na nag aalala ako.

Agad kong nakagat ang ibabang labi ko at nag iwas ng tingin sa kanya

"Stop reading my mind!" Namumula na sambit ko rito ngunit tumawa lang ito.

"Of course not" tumatawa ito "I don't have the power to do that, but I hope so.. I hope there is something so I can also read what you are thinking now" dag dag pa nito.

Napatingin naman din ako ulit sa kanya.

Bigla ko tuloy naalala yung nangyari kahapon .....

Linya ko yun e ..... English lang ng loko!

Pero taktek! Kinilig ako don!

Di mo na kailangn ng kapangyarihan para malaman ang Iniisip ko. Wala namang ibang laman ito kundi ikaw!

Yieeeee! Nababaliw na ako!

9:37am . Nakarating na kami ni casfer sa condo ni karen kung nasaan din si clark, na kuya ni casfer.

Ewan ko ba! Di ko alam! Pero kinakabahan talaga ako, sa di malamang dahilan.

Napahigpit naman ang hawak ko sa kamay ni casfer habang tinatahak namin ang daan papunta sa condo room ni Karen.

Ngumiti ito sa akin na siyang nginitian ko din.

Okay! Relax lang Camille! Relax...

DING DONG.

Tunog ng doorbell na nag pa gulat sa akin.

"Are you okay?" Nagaalalang tanong ni casfer sa akin.

Tanging tango lang ang sinagot ko rito na may ngiti.

Ng bumukas ang pinto ay si karen anf bumungad sa amin tulad ng inaasahan ko.

"Andito na kayo ....." Nakangiting sambit nito at agad na kami pinapasok.

Hindi ko talaga alam.... Pero kinakabahan ako ng sobra sobra...

Ng nasa sala na kami ay may isang matangkad na lalake ang nakatayo at nakatalikod mula sa kinaroroonan ko

"K-Kuya....c-clark" tawag ni casfer sa kanya .

Lumingon naman ang lalake .

Nanlaki ang mga mata ko ng mamukhaan ko ito.

SECRET ADMIRER •A Stalker With Stationary (PUBLISHED)Where stories live. Discover now