CHAPTER 61 Disguise Couple

68 27 0
                                    

CAMILLE

9pm Matapos Namin kumain nila casfer, karen at clark ay masaya kaming nagkwentuhan tungkol sa mga buhay namin.

Makalipas din Ang ilang oras ay napag desisiyonan na nila casfer at clark na dito nalng mag pa lipas ng gabi.

Mabuti nalng at tatlo ang kwarto ng condo ni karen.

Magkatabi lang naman sila Karen at clark at kami naman ni casfer.

Nakahiga ako habang nakayakap Kay casfer, kanina pa ako di makatulog .
Fiesta ngayon at sigurado akong masaya ang boung PERYAHAN.

Tsk! Ngayon pa talaga nagka gulo !

"Babe.....ang likot mo" nakapikit na sambit ni casfer.

"Tsk!" Maktol ko at agad na humiwalay sa pag kakayakap sa kanya at tumalikod.


"Babe... Masyado ka ata mabilis mairita this past few days ago" yumakap naman ito sa akin matapos niya ako ipaharap ulit sa kanya.

Pansin ko din sa sarili ko yun ! Tsk!
Ay ewan! Bakit ba!

"Hasyt!" Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko .

"Anong problema?" Nakangiting tanong nito sa akin at umupo kaming dalawa sa kama.

"Kasi ..... Fiesta ngayon at gusto ko sanang.... Alam mo na ..." Nakangiting sambit ko dito na agad niyang di sinang ayunan.

"No babe. Masyadong delikado at alam mo yan" mahinahong sambit nito sa akin at malungkot na tumango na lamang ako at humiga ulit.

"Matutulog na ako ..." Malungkot na sambit ko dito.

Narinig ko naman ang buntong hininga ni casfer at naramdaman ko ding tumayo ito mula sa pagkakahiga sa kama kaya napalingon ako dito .


Nakita kong sumilip ito sa binatana.
Tapos ay binuksan niya ang closet.

"Let's go" naglabas siya ng mga damit sa closet na puro black.

Black lethear jacket.
Black bants.
Black boots shoes.
Black hat.
At Black sunglasses.

"Huh?" Gulat na sambit ko sa kanya.

"Mag bihis ka na habang tulog pa sila Karen dahil di papayag ang mga yun" hinalikan naman niya ako sa nou tapos ay nag bihis na siya habang ako ay nakatulala ngunit agad ding tumayo at nag bihis na.

Kakaibang excitement ang nararamdaman ko.

Disguise couple!

Para Kaming mga teenager na magkasintahang tumatakas sa bahay ng diyes oras ng gabi para makapag date!

Matapos namin makapag bihis ni casfer ay agad kaming bumaba at tahimik na lumabas ng condo ng magkahawak kamay.

Nakakatuwa talaga to!

Ng makalabas kami ay tinignan namin ang isat isa at nag tawanan

Hindi kasi namin makilala Ang isat isa dahil sa sarili naming sout.

"Let's go?" Aya sa akin ni casfer at mabilis kong hinawakan ang kamay niya at nagulat ako ng bigla niya akong hinala at tumakbo kaming dalawa.

"Huh? Di tayo gagamit ng kotse?" Mabilis Niya akong nilingon at nakangiting umiling. Tumango naman ako sa kanya at nakangiting pinagmamasdan ang mag kahawak naming mga kamay habang tumatakbo kami.

SECRET ADMIRER •A Stalker With Stationary (PUBLISHED)Where stories live. Discover now