CHAPTER 17 Characters Adjustment

120 35 0
                                    

"CASFER."

Bumungad sa akin ang muka ni casfer na puno ng pag aalala habang nakatingin ito sa akin, pero maya maya pa ay napa kunot din ang nou nito na siyang pinagtataka ko.

"Ano ka ba?! Bakit di ka nag iingat? Muntik ka na masagasaan!" Kunot noung sambit nito pero hindi naman galit.

"Ayos ka lang?" Napatingin naman kami pareho ni casfer kay luke na nagaalala ding lumapit sa akin, napatango naman ako sa kanya at ng muli kong tignan si casfer ay hindi na maipinta ang muka nito.

"Tara na." Hinawakan ni casfer ang kamay ko na aking ikinagulat at agad akong napatingin kay luke na ngayon ay nagtatakang nakatingin sa kamay ni casfer na nakahawak sa akin.

Akmang maglalakad na si casfer ng humarang sa kanya si luke. "Excuse me Sir." Humakbang papalapit si luke at kinuha ang aking kamay mula kay casfer. "Ako na po ang bahala sa kanya." Nakangiting turan ni luke.

Nakatitig lang ako kay casfer na ngayon ay hindi ko mawari ang reaction habang nakatingin kay luke. Bumaba ang kanyang tingin sa kamay ni luke na nakahawak sa akin na aking ikinatigil.

Magsasalita pa lang sana ako ng lagpasan na kami ni casfer. Napakurap muna ako bago ako tuluyang lumingon at sumunod ng tingin dito.

Anong problema niya?





******



SAMANTALA, forty-five minutes na ang nakalipas mula ng makabalik kami dito sa opisina at patuloy na sa kanya- kanyang trabaho.

Patuloy lang ako sa pag ty-type at pilit na nag fofocus pero sadyang hindi matoun ang aking attention sa aking ginagawa. Nakakainis!  Hindi ako makapag focus! Eh pano ba naman kasi, walang ibang pumapasok at gumugulo sa utak ko kundi ang reaction kanina ni casfer at biglang pag talikod nito sa amin kanina.

Sandali nga! Bakit siya ando'n? Nagkataon lang ba yun kanina? At bakit ganon ang reaksyon niya? Nagseselos ba siya? argh!

"Ayos ka lang?" Agad naman akong natigilan sa pag iisip ng biglang magsalita si luke na nasa aking tabi. 

Napatingin ako dito na ngayon ay nakatingin din pala sa akin. "Ah, oo ayos lang ako." Tipid akong ngumiti sa kanya at agad ko ng ibinaling ang aking attention sa aking computer. 

"Sigurado kang ayaw mong ihatid kita mamaya?" Ani nito.

Sandali naman akong natigilan at napaisip.

Ihahatid kaya ako ni casfer mamaya? Baka hindi. Mukha kasi siyang hindi okay eh.

Napabuntong hininga na lamang ako at muling napatingin kay luke na ngayon ay nagaantay ng aking sagot.

"Salamat, pero hindi na."

"Sigurado ka?" Paninigurado pa nito na aking tinanguan.

Tumango naman din siya at ngumiti. "Segi, basta mag iingat ka." Ani nito na aking ikinangiti. 

Natigil kami sa pag uusap na dalawa ni luke ng biglang lumapit si pitch dito.

"Natapos mo na ba ang mga manuscript na ibinigay ko?" Tanong nito kay luke.

Maganda naman si pitch, mas matangkad din siya kaysa sa akin.  Maputi at mahaba ang buhok na laging naka sintas. Perfect na sana siya eh, kaso lang, ang dating niya parang laging seryoso—I mean hindi naman siya pala simangot at hindi din siya palangiti. Minsan ko lang din siya nakitang ngumiti tapos tipid pa.  Hindi naman din siya masungit kahit ganon, madali siyang makisamahan.

"Yes maeji." napakunot naman ang nou ni pitch sa narinig mula kay luke.

Pitch maeji naman talaga ang panggalan ni pitch, kaso nga lang, ayaw niyang tinawag siya sa pangalawa niyang panggalan, Hindi kasi niya iyon gusto.

Alam naman namin yun pero di naman namin alam ang dahilan kung bakit. Perong itong si luke na akala ko matino parang masasabi ko ding medyo magkatulad sila ni casfer, mahilig mang inis.

"Don't call me that name." sambit ni pitch na halatang pinipigilan na mainis.

Napangiti naman lalo si luke na para bang lalong natutuwa. Sa sobrang inis ni pitch ay kinuha nito ang mga manuscript sa kabilang mesa at agad niyang ibinigay ito kay luke. Mabilis na nayakap ni luke ang mga manuscript dahil sa pabiglang pag bigay ni pitch. Matapos iyon at inis na tinalikuran ni pitch si luke.

"Ang sungit talaga.." Dinig kong bulong ni luke na may ngiti sa labi.

Napailing na lamang ako habang nakangiting ibinaling ang tingin sa computer ko.  Hindi ko alam pero bigla ko tuloy naalala yung una kaming nagkakilala ni casfer.

"Hay, mukang kailangn ko pang mag adjust sa ugali niya." Ngiting sambit ni luke.

"Character adjustment?" Turan ko na akin ding agad ikinatigil. Bigla akong natigilan ng maisip iyon.

Tama, may naisip na ako!

Akmang magty-type na ako ng biglang may nagsalita sa aking likuran na aking ikinatigil at ikinagulat.

"Camille."

Ay anak ng tinola!— casfer?!

"Sir.." Napakurap muna ako ng ilang beses habang nakatingalang nakatingin sa kanya. Hindi na katulad kanina ang expression ng mukha niya. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Sumama ka sa akin. Let's continue our work as a collab partner, for our project." Sambit nito. 

Mariin muna akong napalunok bago magsalita."Yes, sir." Agad na akong tumayo at mabilis na nag ligpit tapos ay sumunod na ako sa kanya.


*****


SAMANTALA habang nasa elevator kami at nag aanatay ay tahimik lamang kaming dalawa ng bigla itong mag salita.

"So,how's your day with him?" Biglang tanong nito na aking ikinatigil at ikinatingin sa kanya.

Diretsyo lang itong nakatingin habang nakapamulsa. Nagmukha tuloy siyang model habang naka- sideview sa akin.

"Okay lang. Kumain lang naman kami sa labas at nag usap, yun lang naman."

Wait? Bakit parang nagpapaliwanag ako sa kanya?

Nakatitig parin ako sa kanya.

"Akala ko nga maaabutan pa kita. Nagmadali pa naman akong tapusin ang meeting ko at bumalik agad dito para lang makasabay ka sana mag lunch." Sambit nito.

Teka nga! Pinapa-konsensiya ba niya ako? Nakakainis talaga tong taong to! So, kasalanan ko pa? eh hindi ko naman alam, sana sinabi niya diba? Para naman naantay ko sana siya. 

Akmang magsasalita na sana ako ng tuluyan bumukas ang elevator kaya agad ding nabaling dito ang aking attention. 

"Let's go." Sambit nito at agad na itong naglakad palabas.

Nauna pa talagang maglakad ang Loko! Tsk.

Nag lunch lang naman kami ni luke, akala mo naman nakipag date na ako sa tao.

Kung maka selos to, akala mo naman boyfriend ko na!

Napangiti na lamang ako sa naisip at agad na din akong lumabas at mabilis na sumunod dito.

❤️❤️❤️

SECRET ADMIRER •A Stalker With Stationary (PUBLISHED)Where stories live. Discover now