CHAPTER 66 Borrowed time

56 27 0
                                    

Masaya kaming nagkwentuhan na anim sa condo ni karen habang kumakain.

"So.... Kamsuta naman ang love life mo ngayon Luke!?" Magiliw na tanong ni karen habang umiinom ng wine.

Lumunok naman si luke at bahagya napatingin kay pitch ngunit agad din siyang nag iwas ng tingin dito at ngumiti kay karen .

"Uhmm.... Single parin"

"Wala kang nililagawan ?" Tanong ulit ni karen , bahagya naman napangiti si Luke at uminom ng wine bago sumagot.

"Wala. Pero...... " Tumingin ulit ito kay pitch at bahagya naman napayuko si pitch ng makitang nakatingin si Luke sa kanya" Pero.... May nagugustuhan ako" sambit nito at nakangiting nag cheers sila ni Karen ng wine tapos uminom.

"Torpe!" Nakangiting sigaw ko dito na ikinahalak hak niya ng tawa .

"At least gwapo!" Banat naman nito sa sarili na ikinatawa naming lahat.

It's still 8pm  ng matapos kaming kumain .  Nag siuwian na sila luke at pitch.

Habang si casfer at clark naman ay papaalis na din .

Kailangn muna nila mag stay sa bahay nila .

At may importante at kailangan daw silang asikasuhin sabi sa akin ni casfer.

"Aalis na kami" napalingon naman ako sa likuran ako at nakita kong nakangiting naglalakad si casfer sa akin papalapit.

Agad ko itong niyakap. "Magiingat ka" bulong ko dito tapos ay hinarap niya ako.

Hinalikan naman niya ako sa nou at nakangiting tumango sa akin.

"Tawagan mo ko kung may problema" paalala nito sa akin.

" Aalis na kami.." tumango naman ako dito matapos niya ako halikan sa labi.

Sabay kaming naglakad pababa at palabas ng kwarto.

Nakasalubong naman namin sina Clark at karen na kalalabas lang din sa kwarto nila .

"Magiingat kayo" nakangiting sambit ni karen na agad ikinatango ni clark. 

"See you..." Hinalikan ako sa nou ni casfer at nakangiting umalis na sila casfer at clark.

"Okay ka lang?" Napalingon naman ako kay karen at malungkot na ngumiti dito.

"Okay lang ." Maikling sagot ko dito .

"Mukhang miss mo na siya agad. " Tumango naman ako agad at mabilis na umupo sa sofa at agad akong tinabihan ni karen." Here" iniabot niya sa akin ang phone ni...... Casfer!

"Sandali..... Phone to ni casfer ah!" Gulat na sambit ko sa kanya.

"Siguradong di pa siya nakakaalis. " Nag taas baba naman ang kilay ni karen na parang may pinapahiwatig.

"Thank you " agad ko siyang niyakap at mabilis kong kinuha ang phone at lumabas sa condo.

Maingat akong lumabas at sumakay ng elevator.

Ding-*

Ng tumong ang elevator ay mabilis akong lumabas at naglakad palabas ng building at hinanap si casfer.....

Hinahanap ko siya , sila ni clark ng paningin ko at nag babakasali na hindi pa sila nakaalis .

Pero wala na .. nakaalis na ata sila....

SECRET ADMIRER •A Stalker With Stationary (PUBLISHED)Where stories live. Discover now