CHAPTER 83 The Truth behind the accident

59 30 0
                                    

CASFER

"Ma , bakit po ata biglaan ata tayong aalis?" Tanong ko kay mama habang abala siya sa pag empake.

"Casfer... Shaka na ako magpapaliwanag, shaka na namin ipapaliwanag sa inyo ng kuya mo
kapag nakarating na tayo ninyo ng papa niyo sa state's.." tumango na lamang ako at di na nangulit pa.

Naglakad na papunta sa kwarto ni kuya.

At tama nga ako pagdating namin don ayon ..... kausap si karen sa cellphone niya.

"Oo segi .... Promise nga po lopi" nakangiting sambit ni kuya....

"Karen! Mambababae lang siya don!"
Nakangisi na sigaw ko .

Agad akong binato ni kuya ng libro na kaagad ko ding nasalo

"Gotcha!" Nakangising sambit ko ng masalo ko.

"Segi ... Bye.  I love you ... "

"I love you karen!" Nakangising sigaw ko ngunit pinatay na ni kuya ang tawag.

"Sira ulo!" Binato niya ulit ako bago siya naglakad papunta sa closet niya.

"Hey, kuya"

"Oh? Ano na naman ?"

"Di ka ba nag tataka?" Napalingon naman siya sa akin matapos niya makuha ang hoodie niya.

" Nagtataka? Saan naman?"

"Sa biglaang pagbalik natin sa U.S." napabuntong hininga naman siya

"Akala ko ako lang nakapansin" sambit niya

"Alam mo parang may di magandang mangyayari" sambit ko tapos ay nag kibit balikat nalng ako.

"Ang sabihin mo malulungkot ka lang kasi di mo makikita yung.... " Sandali pa siyang nagisip " yung babaeng nagbigay ng letter sayo! " Nakangising sambit nito.. " yung crush mo na iba ang crush! Hahahah!" Agad kong binato ang libro na hawak ko  ngunit na salo ng tang*na..

"Wala akong gusto don ! " Tanggi ko pa ngunit tinawanan lang ako!

"Wala daw. pero kung makangiti ka habang binabasa ang letter niya , halos mapunit na yang mukha mo ."
Asar nito sa akin

"Hindi nga!" Tumayo na ako at mabilis na umalis sa kwarto niya

"Torpe!" Rinig kong sigaw niya kahit nakalabas na ako sa kwarto niya.

Lintik talaga ! Hindi ko naman talaga gusto yung babaeng yun.... Natutuwa lang talaga ako sa letter na binigay niya..

Ilang oras na din ang nakalipas mula nong makaalis kami sa mansion at ngayon ay nasa kalagitnaan kami ng byahe.

Mabilis ang takbo ni papa na para bang may humahabol sa amin kahit wala naman.

"Kuya...ano bang nangyayari" mahinang usal ko kay kuya

"Hindi ko din alam" sagot nito....

ng biglang..........

"Ramond!" Sigaw ni mama at ng tumingin ako sa harapan ay may isang malaking truck ang kasalubong Namin sa daan.

SECRET ADMIRER •A Stalker With Stationary (PUBLISHED)Where stories live. Discover now