PROLOGO

347 26 0
                                    

PROLOGO


IPINATONG ng doktor ang mga hawak na mga papel sa may espasyo ng mesa kung saan hindi matatapunan ng iba't ibang putahe ng mga pagkain. Pinakatitigan muna nito ang buong bahay na kanina pa nito labis na kinamamanghaan. Napakaganda ng bahay na ito, malalaking kurtina, makintab na sahig, magagandang babasagin at kahoy na palamuting mamahalin.

Muli ay dumako ang tingin nito sa papel bago tumingin kay Doña Gabriela. "Doña, ¿está segura de que su hijo no entiende español?" (Doña, sigurado ka bang hindi nakakaintindi ng Spanish ang anak mo?) Panimula nito. Masyadong sensitibo ang kanilang pag-uusapan at hindi dapat maunawaan ng mga bata, lalo na ang batang nagmamay-ari ng mga papel na hawak ng doktor.

Tumingin si Don Dionicio sa bata na ngayon ay abala sa pag-kain. "Sí, no entiende. Apenas es un niño y solo tiene diez años." (Oo, hindi siya nakakaintindi. Bata pa lamang siya at sampong taong gulang pa lamang.) Mula sa malalim na boses nito.

Bumuntong hininga muna ang doktor bago nagsalita. "Según lo que nos ha informado sobre los síntomas de su hijo y con base en el chequeo que realizamos, hemos descubierto que tiene una enfermedad cardíaca. Lo siento mucho, pero es grave y podría ser fatal en los próximos años." (Ayon sa isinangguni niyo tungkol sa nararamdaman ng inyong anak at sa ginanap naming pagkonsulta, napag-alaman namin na siya ay may sakit sa puso. Paumanhin, ngunit malala na ito at maaaring ikamatay niya sa mga darating pang taon.")

Tumulo ang luha ni Doña Gabriela nang marinig ang mga binitawan salita ng doktor. Noon pa lamang ay kapansin-pansin na ang pagiging sakitin ng bata kung kaya't inaasahan na nila na may nararamdaman ito. Ngunit 'di nila akalain na ganito ito kalala na halos lagyan ng limita ang buhay nito.

Napaakbay na lamang sa kaniya si Don Dionicio at tinapik-tapik ang kaniyang braso. Isinubsob niya ang kaniyang ulo sa balikat nito at doon tumangis.

"Wala na bang ibang lunas sa sinasabi mong sakit?" mula kay Don Dionicio. Sa mukha nito ay nakaimprinta ang labis na lungkot at takot. Labis itong nalulungkot sa mga sinabi ng Doktor.

"Perdón, Don Dionicio. Sa ngayon ay wala pang gamot sa ganiyang karamdaman."

Inalis ni Doña Gabriela ang pagkakasubsob sa balikat ng asawa. Ipinunas niya ang hawak na paluelo sa kaniyang matang lumuluha at namumula. "Ako'y pupunta lamang sa ating silid. Pagpapaalam niya bago tumayo sa kinauupuan at umakyat ng hagdan patungong ikalawang palapag.



SA KABILANG BANDA, kahit busog na si Domeng ay patuloy pa rin siya sa pag-kain. Puros gulay ang kaniyang kinakain, gusto man niyang kumain ng mga putahe na nasa lamesa gaya ng adobo, menudo, letson, inihaw at iba pa ay ipinagbawal naman ng kaniyang ama sa 'di malamang dahilan.

Ilang saglit pa habang kumakain ay agad siyang napatingin sa malaking pintuan ng kanilang bahay nang bumukas iyon. Doon ay agad na pumasok ang isang matanda na nakasuot ng pang prayle. Mukhang ito ang prayle sa simbahan ng Barrio Gapan

Bamilis siyang bumaba sa mataas na upuan. Agad siyang nakaramdam ng galak nang makita ang pari. Tumakbo siya palapit rito. "Padre Miguel, nasaan si Gerardo?" bungad niyang pagtanong rito. Napahinto ito sa kaniyang harapan at yumuko ng bahagya upang hawiin ang kaniyang kayumangging buhok, napangiti na lamang siya sa ginawa nito.

"Naroon siya sa labas, ang sabi niya sa akin ay magpapahangin lamang siya."

Agad siyang tumakbo palabas ng pintuan. Sabik na sabik siyang makita ang kaniyang kaibigan. Paglabas niya ay agad niyang inilibot ang tingin sa buong hardin. Wala siyang makita kundi ang mga bulaklak lamang ng pula at puting rosas.

Bumaba siya sa terasa at nakita niya ang lalaking pabalik-balik sa paglakad. Tila may kinakabisa itong mga salita.

Agad siyang napangiti at lumapit rito. Nang makaharap ito sa kaniya ay agad niya itong niyakap. Ang kaniyang mga kamay ay gumapos sa tiyan nito na tila ayaw niya nang pakawalan.

Hanggang balikat lamang siya nito kaya naman tumingala pa siya upang masilayan ang mukha nito, ang matangos nitong ilong, mapupungay na mata, manipis na labi, makapal na kilay, maayos na pagkakahulma ng panga, at ang buhok nitong may apat na pulgadang haba na nakahawi palikod. "Ginoong Gerardo, ano't ayaw mong pumasok sa loob?"

Napakamot ito sa batok at inilibot ang tingin sa paligid. "H-hindi, papasok na sana ako, p-pero narito ka na pala." Nabaling na ang tingin nito sa kaniya. Ngayon ay nagsalubong ang kanilang tingin sa isa't isa. "Katatapos mo lamang kumain 'no?"

Tumango lamang siya at ngumiti.

Idinampi ni Gerardo ang hinlalaki nito sa labi niya upang alisin ang kanin. "Tignan mo. Mukhang sarap na sarap ka sa kinain mo."

Tinanggal niya ang pagkakayakap sa binata. "Kagaya ng dati, puros gulay."

Ngumiti si Gerardo, ngunit sa ngiti nito ay 'di maikakaila na may bahid ng lungkot. "Dapat lang, para lumaki kang masuntansiyang bata." Pinisil nito ang kaniyang pisngi na mabilis nitong ikinapula dahil sa mala labanos niyang kutis.

Naglakad ito patungo sa isang mahabang tabla. Doon ay umupo na laglag balikat at tila may prinoproblema. Nakayuko ito.

Sinundan niya lamang ito, umupo siya sa tabi nito. Tinignan niya ito at tinaasan ng isang kilay. "Bakit? Tila ikaw ay prinoproblema."

Bumuntong hininga ito. Mukhang wala itong balak sabihin kung ano nilalaman ng utak nito.

Humiga siya at ipinatong ang ulo sa mga hita nito. Mukhang wala itong balak na tignan siya kaya siya na lamang ang gagawa ng paraan upang makita ang mukha nito. Nang makahiga siya ay napansin niya ang labis na kalungkutan sa mukha nito.

"Sabihin mo sa akin kung ano ang nilalaman ng utak mo. Baka matulungan kita."

Itinaas na nito ang ulo. Ilang segundo pa bago ito naka sagot. "Uuwi ako ng Maynila, binabawi na nila ako kay Padre Miguel." Ang boses nito ay napupuno ng kalumbayan na tila kailanman ay hindi na mawawala.

Agad siyang tumayo at tumalikod rito. Ang kaniyang kilay ay salubong at ang kaniyang labi ay nakanguso, nakaramdam rin siya ng labis na lungkot sa sinabi ng kaibigan.

Ito lamang ang kalaro niya, ang kaibigan niya. Ano't itoy mawawala pa sa piling niya. Hindi niya na ba ito makikita? Hindi niya na ba masisilayan ang natatangi nitong mukha? Hindi niya ba mararanasan ang masasaya nilang tawanan at kasiyahan?

Agad na tumulo ang luha sa kaniyang mata habang ang kaniyang mga labi ay unti-unting kumurba ng pabaliktad.

Naramdaman niya na lamang ang kamay nitong gumapos sa kaniyang baywang. "Babalik naman ako, siguro ay makalipas ang limang taon?"

Napatingin siya sa kamay nito, naroon ang rosas na puti. "Huwag mo itong itatapon. Simbulo ito ng ating pagkakaibigan. Ilagay mo ito sa iyong silid upang maalala mo ako tuwing mag-isa ka sa iyong silid."

"Labing limang taong gulang ka na." binilang niya sa mga kamay kung ilang taon na ito sa limang taon na ipinangako nito. Kinuha niya ang rosas sa kamay nito bago nag-salita. "Dalawang pu, baka makalimutan mo na ako, matanda ka na sa taon na iyon." Pinunasan niya ang luha sa kaniyang mata.

"Pangako pagbalik ko, kilala pa rin kita. Magsasama tayo at ipagpapatuloy ko ang paninilbihan sa simabahan."

Humarap na siya rito at niyakap ito ng mahigpit. Sa dibdib nito ay isinubsob niya ang kaniyang mukha at doon ipinagpatuloy ang pag-iyak.

VIN

Why Do Rose Petals fall?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon