KABANATA 8
NAGISING ang diwa ni Domeng, ngunit ang kaniyang mga mata at buong katawan ay gusto pang matulog. Napagod siya ng husto sa kalahating araw nilang biyahe.
Nang makarating siya kanina ay dumiretso na siya sa kaniyang silid, walang kain at walang ligo. Pagod na pagod siya kung kaya't 'di na niya naisip ang mga iyan.
Iminulat niya na ang kaniyang mata at napagusot rito. Inunat niya rin ang kaniyang katawan at humikab.
Ilang saglit lang ay napatitig siya sa kisame at nag-isip ng kung ano-ano.
Ano kaya ang ginagawa ngayon ni Gerardo?
Napangiti na lamang siya nang maalala ang masasayang nangyari sa kanila sa mga araw na pumunta sila sa kaarawan ng Gobernadorcillo ng Bulacan at hanggang sa pag-uwi nila.
Natanggal ang kaniyang pagmuni-muni nang may kumatok sa pintuan ng kaniyang silid.
“Señor Domeng, kayo po ba ay gising na?” mula sa labas. Ang boses na iyon ay pagmamay-ari ng kaniyang kanang kamay na si Abelle.
Bumaliktwas siya. “Ako'y gising na,” sigaw niyang tugon.
“Señor, may nais pong kumausap sa inyo, importante raw ang kaniyang sasabihin. Hinatiran niya rin kayo ng ulam.”
Napakamot na lamang siya sa kaniyang ulo at napakunot ng noo. “Pakisabi na maghintay, susunod ako.”
Sino naman iyon?
“Masusunod, Señor.”
Narinig niya ang mga yapak ng bakya pababa mula sa unang palapag kaya naman nakasisiguro siyang bumaba na ito.
Nagmadali na siyang lumapit sa kaniyang aparador at doon kumuha ng toalla at damit na kaniyang gagamitin. Kamiso de chino na berde sa pang-itaas at kayumanggi naman na pantalon sa pang-ibaba.
Mabilis lamang siyang natapos sa pagligo at pagbihis. Tumungo agad siya sa unang palapag ng bahay upang kausapin ang kaniyang bisita.
Pagdating niya doon ay walang tao sa sala maliban sa mga katulong na palakad-lakad. Napakunot na lamang siya ng kilay.
Asan?
Humanap siya ng katulong. Nakita niya ang mga katulong sa tabi ng pinto kaya nilapitan niya iyon. “Nasaan si Abelle?” tanong niya.
“Akin lamang pong tatawagin, Señor.” Naglakad na ang isang katulong upang hanapin ang kaniyang kanang kamay. Mabilis lamang nitong nahanap sapagkat nasa kusina lamang si Abelle.
Lumapit ito sa kaniya habang nagpupunas ng kamay sa saya. “Señor Domeng, bakit ho?”
“Nasaan ang nais kumausap sa akin?”
“Ay, Señor sa likod daw po ng bahay, doon daw po kayo mag-usap.”
Kumunot ang kaniyang noo. Nagtataka siya kung bakit sa likod pa ng bahay ito makikipag-usap. Napakaganda ng kanilang saya ano't sa likod pa talaga ng bahay.
Seryoso ba?
“Sino ‘siya? Ano ang ngalan niya?”
Naglakad si Abelle papuntang lamesa at may kinuha na nakalagay sa mangkok na bao. “Si ginoong Samuel po, ang Cabez de barangay.” Iniabot nito ang hawak. “Ito po pala ang pinamimigay niya, ginataang gabi daw po iyan Señor.” Dagdag pa nito.
Napasinghap siya. Ayaw talaga siya nitong tigilan. “Pakilagay na lamang sa mesa.” Utos niya at naglakad na palabas ng bahay.
Tumungo siya sa likod ng bahay, puros puno lang naman ang nasalikod ng bahay at matataas na damo kaya naman walang pumupunta ditong katulong, sa takot na baka may ahas.
BINABASA MO ANG
Why Do Rose Petals fall?
Historical Fiction"Ang talulot ng puting rosas ay simbulo ng buhay. Kapag nahulog huling talulot nito, nangangahulugang huli na, wala na, o 'di naman kaya'y tapos na." ...... Masayahin at kilala si Domeng bilang anak ng mayamang pamilya Asuncion. Sa likod ng saya, it...