KABANATA 2

109 15 0
                                    

KABANATA 2

IMINULAT ni Domeng ang kaniyang mata nang magising ang kaniyang diwa. Ginising siya ng malalakas ngunit magandang  tugtugin na umalingawngaw sa kanilang buong bahay.  Agad siyang bumaliktwas, bumungad sa kaniya ang larawan nila ni Gerardo at puting rosas na nakapatong sa  gilid ng kaniyang higaan. Napasimangot siya nang maalala ang pagihing malmaig nito.

Agad ring napalitan nang ngiti maalala na narito na ito sa Barrio Gapan. Sa wakas ay narito na ang kaniyang kaibigan na matagal na niyang hinihintay. Tinupad rin nito ang pangako na babalik ito makalipas ang limang taon. Tsaka hindi dapat siya magpaniwala sa hakahaka niya, walang pagtingin si Gerardo kay Binibining Josefa

Agad siyang tumayo at lumabas ng kaniyang silid. Ngunit, hindi pa man siya nakakababa ng palapag ng kanilang bahay ay agad siyang nilapitan ng kaniyang kanang kamay na si Abelle. Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa na tila may mali sa kaniya. Higit na mas matanda ito ng anim na taon sa kaniya.

“Señor, Domeng. Hindi ka pa nakapag-ayos?” Bakas sa maamo nitong mukha ang labis na kaba. Agad itong pumasok sa kaniyang silid. Pagkuwan ay ikinumpas nito ang kamay. “Señor. Ikaw muna'y mag bihis at mag-ayos ng iyong sarili. May mga panauhin ang Don at Doña!” kinakabahang saad nito. Paniguradong pagagalitan ito kung makitang ganito ang inaalagaan, baka nga maalis pa ito sa pagiging katulong.

Nanlaki ang kaniyang mata sa narinig. May panauhin ang kaniyang mga magulang at hindi manlang siya ginising?

Lagi na lamang ganito ang kaniyang mga magulang. Hindi niya maintindihan kung bakit walang pakielam ang mga ito sa kaniya; sa kaniyang desisyon at mga gawain. Di niya manlang maranasan na tawagin siya sa salitang, anak kakain na, anak gumising ka na at pumunta na tayo sa simbahan, anak tanghali na bumangon ka na. Tila ba pinapabayaan siya ng mga ito.

Dismayado siyang napaikot ng kaniyang mata at napabuntong hininga. Naglakad siya palapit kay Abelle at pumasok na sa kaniyang silid, dumiretso siya sa banyo at doo'y naligo.

Naghanap naman ang kaniyang kanang kamay na si Abelle ng kaniyang susuoting damit. Ang pinili nito ay itim na toxido at itim na pantalon. Matapos ay lumabas na ito sa silid.

Bagama’t pista sa kanilang lugar. Ang mga tao ay may handa sa bawat kani-kanilang mga tahanan. Ngunit ang pang kalahatang pagdiriwang ay magaganap sa Mansiyon ng mga Asuncion, dahil ang kaniyang amang gobernadorcillo ang namamahala sa buong barrio. Ang mga mayayamang tao, mga Don at Doña at maging ang mga Opisyal na namamayani sa lugar o 'di naman kaya'y karatig lugar ay pumupunta rin dito upang maki-saya at makilahok sa pagdiriwang.

Mabilis na natapos si Domeng sa pagligo at pagbihis. Lumabas ba siya sa kaniyang silid at tumungo sa unang palapag ng bahay. Ang buong akala niya ay umaga na ngunit nagkamali siya. Gabi pa lamang, at simula pa lamang ng hapunan.

Pagbaba niya sa hagdan ay maraming mga tao ang abala sa pagsasayaw na sumasabay sa magandang tugtugin. Sa gitna ay may mahabang mesa. Dalawang mahabang mesa kung saan hiwalay ang upuan ng mga kababaihan at kalalakihan na masayang nag ku-kuwentuwaan.

“Narito na pala ang aking bunsong anak!” mula sa malalim at barag na boses ng kaniyang ama, lasing na ito dahil sa dami nang nainom na tuba. Napatingin sa kaniya ang lahat kung kaya't 'di siya nakagalaw sa kinatatayuan niya at napayuko na lamang. “Domeng, lumapit ka nga rito.” Pagtawag nito sa kaniya. Sinunod niya ang nais ng ama. “Balang-araw, siya ay magiging isang magiting na heneral.” Pagyayabang pa ng kaniyang ama sa mga kasama nitong nakaupo.

Nagpalakpakan naman ang mga nasa magkabilaang lamesa.

“A-ama, hindi niyo manlang ako ginising.” Kinakabahang bulong niya sa kaniyang ama.

Why Do Rose Petals fall?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon