After the taping, malapit na din mag gabi. Tinawag si Megan ng director. Kahit papaano ay may sinasabi naman si Megan sa scene.
"Alam mo may potential ka maging artista. Gusto mo ba mag artista?" tanong ng director kay Megy.
Lumiwanag ang mukha niya.
"Yes Sir.."
"Good! Bukas bumalik ka dito, ipakikilala kita kay Mr. M. siguro naman kilala mo yun.."
"Yes sir!! kilalang kilala po..."
"Maghanda ka bukas baka may ipapagawa siya sayo"
"Yes sir salamat po!!" masayang masaya ang boses ni Megy.
Im so happy for her!!! Gusto niya palang mag artista di siya pumasok dati pa? Maganda si Meggy. Maputi, makinis no need for nose lift..
"Osige see you tomorrow.. Be here before 9am."
"yes sir.."
Umalis na ang director. Tumakbo naman palapit sa akin si Megy.
"Narinig mo yun?"
"ofcourse!! congratulations Megy.." masayang bati ko.
Lumapit din si Gian.
"Congrats Meg.."
"Ano bah.. wag muna ma excite.. wala pa eh.."
"Congratulations in advance." sabi naman ni Ralph na papalapit.
Kitang kita ko ang kilig sa mata ni Megan. She do like him. Akala ko si Gian ang crush niya, Buti na lang..
Teka.. bakit parang ayaw kong magkacrush si Megan kay Gian? ay oo... mayabang kasi yung lalaking yun ayaw ko siyang maging Boyfriend ni Megan no..
"Kumain muna tayo ng dinner" Yaya ni Ralph.
"Uhmm.. Sure kayo.. eh baka kasi alam niyo na.. people." si megan
Nakuha ko ang punto ni Megan. Ayaw niya sigurong pagkaguluhan kami.
"What about, sa Pad ko?" suggestion naman ni Gian.
Sa pad niya? No way!!
"uhhmm.. I dont think its a good idea." sabi ko..
Napatingin sila lahat sa akin.
oh my!
"No its not what you think.. I... Uhmm.. I-Im not thinking negatively.. Its just that.." shit what am i going yo say?? "I uh.. suggest we go to my house instead?" Shit!! napasubo ako dun ah..
Nagliwanag ang mukha ni Megan.
"That would be great Aish..!! okay lang ba sa inyu yun?" Tanong ni Megan sa mga boys.
"Yeah great idea!! atleast ma meet namin parents mo Aish.." si Ralph
"ahh.. heeee .." napilitan akong magsmile. Ohmy!! wala na napasubo na talaga ako!! "My parents are not here.. I only live with my kuya."
"Talaga.. okay lang ba yun sa kuya mo?"
"Ofcourse okay lang yun.. so? Tara?" Pinilit kong maging enthusiastic.
gamit namin ang kotse ni Gian. Si Gian ang nag drive, ako ang nasa front seat, sa likod naman sina Megan at Ralph.
"Saan ba kayo nakatira?" Tanong ni Megan.
"Nagsosolo na kami ni Gian. We live in thesame condo but in a different unit ofcourse."
"sosyal.. Bakit naman kayo nagsolo?"
"Si mama kasi.. ayaw e feature ang bahay namin kaya ayun nag condo na lang ako."
Daldalan lang ng daldalan ang dalawa while kami naman ni Gian sa harap tahimik lang. Napanis na ang laway ko.
Eh pano ba naman kasi.. Hindi ko siya feel kausap. saka hindi din naman kasi ako friendly unlike sa pinsan kong si Megan na kung sino sino lang kaibigan.
Maalala ko lang.. Doon nga pala punta namin sa bahay ano. Magpapaluto muna ako..
Tumawag ako sa bahay. Maid ang sumagot.
"Hello Manang, pwede po ba paluto kami ng dinner may mga bisita po ako.. salamat po.." saka binaba ang Phone.
Napapanis na talaga ang laway ko dito sa taong to.. haiii.. ano ba.. how will i start a conversation with a guy i hate?
I cleared my throat.
"Kelan nga pala ma tatapos ang taping nio?" Bahala na kung sino ang sasagot.
"Ahh.. baka months pa.. But after that project pahinga muna.. focus muna sa pag aaral." sino sumagot? Si Ralph.
I was expecting that already.
Haii.. kainis naman oo..
BINABASA MO ANG
Can't Help Myself
Teen Fictionso... "the More you Hate the more you Love" really exist... and it feeeeelllsss.. sssooooo.. good?!