UNANG TINIK -- " T.R. " (1 of 3)

191 12 5
                                    

At dahil hindi ako nakapagUD kahapon eto po ang PART 1 ng UNANG TINIK. .

Sana po magustuhan niyo. .

VOTE



COMMENT



FOLLOW



ILYA! (I Love You All) <3

"_MaamGrAsyaM_"

__________________________________________________________________



T.R. POV



Tahimik akong nagiisip at nagplaplano kung paano sisimulan at papaikutin ang larong ito. Bago ang lahat magpapakilala ako. .



Ako nga pala si T.R. o should I say Tinik sa Rosas.



Isang tinik sa paaralan ng mga rosas "Rosas de Academia Ins.".



Maganda at masaya mag-aral dito pero walang trill.



Kaya ito ang aking gampanin ang ipadanas ang hirap at pasakit.



Maging tinik sa tila perpektong buhay ng mga tao sa paaralang ito.



Isa pa may malaking utang sa akin ang isa sa mag-aaral dito naniningil lamang ako. .



Naantala ako sa pagkatok ng isa sa aking alagad at nag wika sa isang mababa at napakalamig na boses.



"Dala ko na po ang resulta ng Ranking"



Napangiti ako ng pagkapait pait. Mukhang maguumpisa na ang laro.



"Sige tumuloy ka" inabot niya ito sa akin at habang iniisa isa ko ito ay naramdaman ko na may ihahagis siyang patalim sakin.



Nagpatay malisya ako at ng malapit na ito sa akin ay bigla akong yumuko at nag wika



" Nahulog ang ballpen pasensya na." Diretso ko siyang tinitigan sa kanyang malalamig na mata.



Nagpalatak ito, tumitig sakin at nagsalita sa tono ng mapangutya



"Kahit kailan talaga hindi kita mapatay"



sabay talikod nito at tawa na animoy demonyo



"bwaHahaha"



Habang tumatawa siya ay kinuha ko sa likod ang patalim na kanyang ginamit na nakatarak sa painting.



Tumakbo ako sa kanyang likuran ng hindi niya nararamdaman



at tinutok ito sa kanyang leeg naramdaman ko ang pagbilis ng kanyang pulso.



Dahil dun nagsalita ako na tila nanggaling ang aking boses sa pinaka malamig na kweba



"Handa ka na ba mamatay?"



umiling ito at nagsalita muli ako



"alam mo naman na mahalaga sa akin ang painting na sinira mo?"



Hindi ito sumagot kaya diniinan ko ang pagtututok dito at sumigaw "Sumagot ka pag tinatanong kita!"



Naaamoy ko na ang takot sa puso niya nanginginig ang kanyang boses ng siya ay nagsalita "Opo pa-pa-sen-sya na-a p-po ipapaayos ko po ito"



Inalis ko ang kutsilyo sa leeg niya at naglakad patungo sa kanyang harapan.



"Siguraduhin mong maayos mo yan ngayong linggo kung hindi alam mo kung ano ang mangyayari sa iyo".



Tinutok ko ang kutsilyo sa kanya ngumiti at nagpaalala



"At eto ang tatandaan mo hindi ikaw ang papatay sa akin".



Pagkatapos kong sabihin ito hinagis ko ang patalim sa kanyang gilid. Nakaiwas naman agad ito.



Tumawa ako ng tila baliw at bumulong "Umalis ka na kung ayaw mong magiba ang isip ko at dumanak ang mabahong dugo mo dito"



Tinungo niya ang pintuan na halos madapa ito sa pagtakbo.



"BWAHAHAAHAHA hala sige takbo yan ang gusto ko lumamalaban sa kamatayan."

From T.R. : &quot;Are You Prepared to Die?&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon