Ika-Limang Tinik-- "Munting Regalo" (4 of 5)

47 3 2
                                    

Tuloy tuloy pa rin sila sa pagbukas ng pinto ng sumigaw ang tao sa screen. . "Boo!. . " mapanakot na sigaw nito

Kasabay nito na lahat kami ay napatalon sa takot. .

"Wahh! Tulong! Wahhh!" Sigaw naming lahat

Sumutsot ang tao sa screen "psssst! Manahimik kayong lahat hindi niyo ba alam na kahit sumigaw kayo ay wala ng tutulong sa inyo dahil wala ng natitirang tao dito sa eskwelahan na ito? Bwahahah" napaiyak na ang ilan sa amin. .

Pinagpatuloy nito ang kanyang sinasabi "at kung sino man sa inyo ang may balak na tumakas hindi kayo magtatangumpay."


Ngumiti ito at kinuha ang camera at itinapat sa isang monitor at kitang kita ang aming mga mukha na bakas ang takot at maging ang bawat ang gulo ng kwartong ito.

Inayos muli nito ang camera, tinapat sa kanya at nagsalita. .

"Pinapuno ko ng CCTV camera ang silid na iyan kaya bawat galaw ninyo ay nakikita ko at nakapalibot ang aking mga alagad sa buong eskwelahan lalo na sa establisyimento na iyan. Isang maling galaw lang ay handa ang aking mga alagad na gawin kayong lahat na malamig na bangkay."


Tinuro niya kami isa isa "Ngayon bumalik kayong lahat sa inyong mga upuan." Sinunod namin ang gusto niya at nagsalita muli siya "Mukhang handa na kayong makinig. Maguumpisa akong magpakilala sa inyo. Ako ang magiging bangungot o mas nararapat sabihin na magiging tinik ng eskwelahan na ito." At pinakawalan niya ang malakas na tawa. .

Tinik? Bangungot?

Bangungot! Oo sana bangungot lang lahat ng ito. . .

Bintiwan nanaman nito ang isang mapanudyong tawa "Bwahahaha. . Kahit sino sa inyong sa loob ng silid na iyan ay hindi ako kakayanin kalabanin. Kaya kung gusto ninyong mabuhay ay makisabay kayo sa aking munting laro!."

Laro? Anong klaseng laro ang mangyayari?

Magiging madali kaya ito?

From T.R. : "Are You Prepared to Die?"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon