Ika-Anim na Tinik-- "Best Friends" (2 of 3)

60 3 0
                                    

Dove Buenia POV


Hindi ko na napigilan lumabas at humanap ng lugar kung saan pwede ko ibuhos ang aking mga luha. .


Dirediretso lang ako na tila walang direksyon ang patutunguhan. .


Hanggang sa napatigil ako sa Freedom Room. . Pinihit ko ang door knob at tiningnan kung may tao sa loob. . Maswerte ako at walang tao doon. .


Sa pagkakatanda ko puno ito ng maraming masasayang alaala. .


Eto ay isang silid na kung saan pwede mong gawin kung ano man ang naisin mo. . libre sumigaw, umiyak, tumawa, mag sulat sa mga dingding ng iyong nararamdaman at gumuhit ng iyong mga obra. .


"Tama gumuhit ng obra!" Sigaw ko. . .


Dahil dun napatingin ako sa mga dingding nito nagbabakasakali na may natitirang puwang upang umpisahan ko ang aking lilikhain. .


Ng may isang obra dito na pumukaw sa aking atensyon. . Isa itong larawan kung saan magkahawak ang dalawang magkaibigan at bakas ang saya sa kanilang mga mukha. . May nakasulat na salita sa ilalim nito at akin itong binasa. .


"Tunay na magkaibigan walang iwanan kahit sa kabilang buhay (Bhest A.Meg at DoveB.)" Bulong ko. .


"Walang iwanan?" Ulit ko sa salitang aking nabasa


"Anong walang iwanan?" Baling ko sa larawan ng babaeng may mahabang buhok na kahawak ang kamay ng isa pang babaeng sobrang puti, may maiksing buhok at mapupulang labi. .


"bakit mo ko iniwan?. . bakit mo kami iniwan?" tukoy ko sa babaeng sobrang puti na may maiksing buhok. .


Lumabas na ang luha na kanina ko pa pinipigilan tumulo "sabi mo uuwi ka lang bakit hindi ka na bumalik?" Pagtatanong ko sa kanya. .


"A.Meg !" Bulong ko habang naiyak


"Athena Meg!" Sigaw ko ng pagsusumamo


Napaluhod na ako at umiyak ng umiyak. .


Patuloy ang aking paghikbi at binigkas ang kanyang pangalan "Athena Meg Ho! Hu-hu-hu-huuuu. . .Bhest sana hindi na kita pinayagan umuwi sana kasama pa rin kita hanggang ngayon"

From T.R. : "Are You Prepared to Die?"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon