IKAAPAT NA TINIK-- "Ang Sampung Rosas" (2 of 3)

49 6 0
                                    

Thanks po sa mga sumusbaybay ng kwentong ito. .

Salamat po talaga!

ILYA! (ILoveYouAll!)

===================================================================

Mitch Chou POV

Ako si Mitch mahirap pero sobrang talino at ganda.

Para sa inyong kaalaman 10 years old lang ako, tatlong beses naacelerate sa elemetarya.

Hindi mababakas sa aking pisikal na katawan ang aking edad. Ang height ko ay 5"0 at ang katawan ko ay fully developed na.

Tama na ang mahabang pakikipagkilala makikilala niyo pa ako habang tumatagal.

Andito na ako sa tapat ng pintuan ng Office of the Principal.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nakapasok ako sa Sampung Rosas.

Aaminin ko inasahan ko na ito matalino ako pero ang maging una sa listahan sa unang taon ko sa sekondarya grabe talaga.

Sabagay hindi naman yun imposible.

__________________________________________________________________

Flashback

Andito ako sa loob ng aming classroom hindi ako na labas mahal kasi ang panindang binebenta sa loob kaya nagbabaon ako ng pagkain.

May nakita kong nakatayo sa harapan ko kaya napatunghay ako.

Kaklase ko ng pala si Charles gwapo at nagtapat sa akin ng pagibig sa ikaunang markahan ng pag-aaral.

Ganoon talaga ako kaganda.

Pero kahit maganda ako hinindian ko siya dahil wala akong oras sa mga gantong bagay.

Nawala ang atensyo ko sa pagiisip ng tanungin niya ako "Narinig mo na ba Mitch lumabas na ang resulta ng pagsusulit para sa Sampung magiging representatibo ng paaralan?"

Huli na ako sa balita "Hindi ko pa nakikita ang listahan. Gusto mo ba ako samahan para makita ito?" Pagsusumamo ko sa kanya

Ngumiti ito at hinila ako. Nawala ang aking atensyon sa listahan dahil hawak niya ang aking kamay.

First time kong mahawakan ng isang lalaki sa kamay. . .

Grabe ang lambot ng kamay niya.

Namalayan ko na lang na nandito na kami sa tapat ng pisara.

May nagdidikit ng Anunsyo sa unahan. Marahil ito na ang kanyang tinutukoy na listahan.

Hindi ko mapigilan ang excitement ko. . Matagal ko ng iniitay toh ilang buwan din ako nagtiis.

Hinawi ko ang daan hanggang sa makita ko ang aking pangalan

Hindi sa huli. . .

Hindi sa pangalawa. . .

Kundi sa pinaka Una!

End of Flashback

__________________________________________________________________

Hanggang ngayon hindi pa rin maalis ang ngiti sa aking labi nakakagulat man pero ako ang nagtagumpay.

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng biglang bumukas ito at bumungad sa akin ang sekretarya ng punong tagapamahala.

Ngumiti ito sa akin at nagtanong "Ikaw ba si Mitch?" pagsisiguradong tanong nito.

Gumanti ako ng ngiti sa kanya at kinamayan sya "Opo ako nga po si Mitch B. Chou " tugon ko

Tumango lang ito at sinenyasan akong pumasok na.

Tumingin ako sa loob at nakita kong may iba pang mga taong naghihintay dito bukod sa akin.

Marahil sila ang mga kasama ko. Ngumiti na lang ako sa kanila.

Naantala ang pagtitinginan naming lahat ng nagsalita ang sekretarya. "Ngayong kompleto na kayo maari na kayong pumunta sa kwarto ng punong tagapamahala. Maraming salamat."

From T.R. : "Are You Prepared to Die?"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon