Chapter 01

26 0 0
                                    

#ROR01

Anything

"Quinn, huwag mong i-dedicate ang buhay mo sa trabaho. Hindi ikaw ang tagapagmana," tawa ni Clara nang parehas kaming pumasok sa unit ko. Kagagaling ko lang ng trabaho at dinaanan ko siya dahil gusto niya raw tumambay sa condo ko.

"I don't, okay?" irap ko. "Gusto ko nang mag-resign. I-hire mo na lang ako bilang social media manager mo."

"Oh, come on! Hanggang sabi ka lang."

I grabbed a bottled water inside the fridge and drank it. "Why, not? Ako bahala sa lahat ng accounts mo at pag-iisipan lahat ng ipo-post para hindi ka na i-cancel ng mga tao."

This time, ako naman ang inirapan niya.

"People already called me a beauty without a brain. I don't care about their opinions anymore."

"You don't like? It's a win-win situation, though. Matutulungan kita, matutulungan mo ako."

"Seryoso ka ba?"

I just shrugged then went inside my room. Maliligo lang ako dahil nag-site ako ngayong araw. Paglabas ko ng kwarto, maraming paperbag sa dining table at isa-isa na iyon nilalabas ni Clara.

"Let's eat," she said then got us plates. Ako naman ay dumiretso sa fridge para kumuha ng tubig at juice. "Anyway, I went home last week. Talked to your Mom and she told me na isang buwan ka na raw hindi umuuwi. Busy ka raw sa trabaho."

"Busy naman talaga ako."

"Inuulit ko, hindi ikaw ang tagapagmana ng kompanya."

"Alam ko."

"Gosh, Quinn! Dapat nag-eenjoy ka rin sa buhay. What about your night life?" She took a bite on her food. "I was calling you last time, hindi ka naman sumunod. For sure, nakalimutan mo na itsura ng bar."

I smirked. "Who says? Nag-bar din ako noong tumawag ka. Sa BGC nga lang."

"Gaga ka! Nagso-solo?! Sinong kasama mo?" Nanliliit ang kanyang mata habang nakatingin sa akin.

"Ako lang."

"Really, huh?"

"Yeah. I just wanted to be alone and get drunk."

"Edi, sana sinama mo ako para kung gusto mo pa lang magpaka-wasted, ako maghahatid sa'yo pauwi."

"I got wasted, though."

"Nag-commute ka pauwi? Nahihibang ka ba?"

"No," I shook my head.

"Gaga ka! Concerned ako sa'yo dahil puro ka trabaho may dilig ka naman pala."

"Wala. Nothing happened."

"Hindi nga? Sino ba 'yan?"

"Just someone I met sa bar. I passed out in front of him and he didn't even know where I live kaya inuwi niya ako sa condo niya."

"You're crazy. Don't do that again. Paano na lang kung masama pala 'yung tao na 'yun at ni-rape ka? My gosh, Quinn! Drink at your own risk."

"Yeah, I know."

I swear, I won't do that kind of stunt again. Tama si Clara. Good thing I met a guy who knows what consent is. He didn't take advantage of me. He just basically gave me a bed to sleep on. Nag-thank you naman ako sa kanya at hinatid pa ako pabalik ng bar para balikan ang sasakyan ko. I just gave him my number and told him na tawagan ako kung sakaling may kailangan siya sa akin na kahit ano. Well, doing him a favor as a sign of thank you won't hurt me.

Reek of RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon