The Haunted School

2.1K 29 4
                                    

Isa po akong 3rd yr sa school namin, medyo luma na din ang school pinarenovate lang ng bumili neto, mahigit 3 taon na ako dito at ang dami kong naririnig na kwento about sa history ng school, pero binabalewala ko na lang. So ito na nga po..

Kakatapos lang po ng Street Dance namin at napagisipan ng mga teachers na sa school kumain ng dinner. So habang kumakain po kami nakarinig kami ng talbog ng bola aa itaas so ako naman biglang kinabahan hindi ko din alam kung bakit. Tapos sabi ng Guidance titignan daw nya iyon at baka dae magnanakaw kaya naman sumama yung ibang lalake sa kanya. Kaya naman bumalik na kami sa pagkain ng biglang namamatay yung ilaw kaya naman natakot na ako that time pero pinilit ko lang kumalma non at sabi ng teachers susundan daw nila yung iba sa itaas kaya naman ang natira na lang sa baba ay kami kaming mga students, hindi na namin natapos ang pagkain namin dahil natatakot na kami ng hindi umanoy biglang namatay ang lahat ng ilaw kaya naman nanginginig na ako ng sobra gusto na naming lumabas kaso biglang nagsara ang pintuan ng school kaya yung iba nagsimula ng umiyak at magdasal nagdasal kaming lahat pero ng makarinig kami ng yapak sa itaas halatang pababa pero magisa lang sya dahil maririnig mo ang dalawang yapak nya at laking takot namin dahil bigla itong tumawa hindi basta tawa nakakatakot na tawa. Kaya naman napamura kami sa takot ng marinig namin yon at nararamdaman kong papalapit na sya samin kahit sobrang dilim pero nagdasal kami ng taintim dinasal ko na sana mawala na lahat ng ito dasal lang ang alam kong kailangan namimg gawin. Biglang bumukas ang mga ilaw at nakita na namin ang ibang umakyat sa itaas at sinabi nila saamin na pagakyat nila iba ang itsura ng taas luma at halatang nasunog at nakakarinig sila ng nga batang nahingi ng tulong.

Ps: sabi ng dating caretaker ng school nasunog daw ito at ang kwento isang teacher na natanggal sa trabaho dahil sa pagmamalupit sa mga eatudyante kaya naghiganti daw ito at sinunog ang buong school kasama din sya.

Kababalaghan sa likod ng Libro (base sa SPOOKIFY)Where stories live. Discover now