The Time

549 8 0
                                    

Nasa tabi mo sya

May 5, 2015 Imus City, Cavite


11:48pm nang maisipan ko ng matulog mula sa pagffb. Sa itaas ng double deck ako natutulog para tutok na tutok yung wall fan sakin. Pagkatulog na pagkatulog ko nanaginip agad ako. May babae daw na nakadagan sakin. Naka side view ako nun. Bata yata, ang gulo nya. Sobrang bilis ng pag ikot ng ulo nya sabay may sinisigaw. Ewan ko lang kung ano. Nilalapit nya pa yung mukha nya sakin. Tapos ang sakit sa tenga ng sound, parang pinipiga yung utak ko. May nagbago sa scene, naging ganto: nasa double deck pa rin ako pero yung unan na malapit sa mukha ko naging tao, babae. Ang putla ng mukha nya. Parang may mga scar sya sa face. Nakatingin sya at nakangiti sakin, in a Very very scary way. So sobrang natakot ako. Pinikit ko yung mata ko at pinilit kong magising, thank god at nagising naman ako. Pero parang ayoko pang gumalaw. Ewan. Feel ko lang na di gumalaw. Natatakot pa rin kasi ako e. Ang tagal kong ganun. Pagtingin ko sa Cellphone ko 12:03 na. Buti wala na yung mga babae paggising ko.

Kababalaghan sa likod ng Libro (base sa SPOOKIFY)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora