Paranormal

451 11 0
                                    

Sa wari mo'y napaka normal lang ang naging araw mo. Pagkatapos mong magtrabaho, umuwi ka sa bahay. Normal lang na sa pagpasok mo ng bahay, may naririnig kang naglalakad sa taas. Pagpasok mo sa kwarto para magbihis, naririnig mo ang mga plato, kutsara at tinidor sa kusina na para bang may naghahanda ng haponan mo. Pagpasok mo sa cr para maligo, may naririnig kang palakad-lakad sa kwarto mo. Pagkapahinga mo habang nanunuod ka ng tv, narinig mo sa cr na may nagflush. Inantok ka na kaya pumasok ka na sa kwarto para matulog. Habang nakahiga ka, may naramdaman kang may tumabi sayo tapos di ka makatulog kasi humihilik pa ito. Normal lang ang lahat ng ito kung may kasama ka, pero ang nakakapangilabot na katotohanan ay ako lang kasi mag isa sa bahay. Naging normal na lang ito kasi paulit-ulit na lang at nakasanayan ko na.

Kababalaghan sa likod ng Libro (base sa SPOOKIFY)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora