Lola

289 6 0
                                    

Nung 7 years old, dun ako natulog sa bahay ng lolo ko kasi weekends naman. Nagising ako ng 9 am dahil may pumalo sa tiyan ko, wala naman akong kasama sa kwarto at walang makakapasok dito dahil nakalock. Nagtanong ako sa Lolo at Tito ko na kasama ko sa bahah kung umakyat ba sila at pumasok sa kwarto ko kaso hindi daw. So kinilabutan na ko dahil dun.

Kinagabihan, patulog na ko kaso naka-amoy ako ng Sampaguita. Eh wala namang ganun sa kwarto ko kaya lumabas ako at kumatok sa kwarto ng lolo ko. Sinabi ko sakanya yung nangyari simula nung umaga at naalala niya na yun pala ang araw ng kamatayan ng Lola ko. So nagdasal kami bago matulog. At pagkagising ko, nakita ko siyang nakangiti sakin kaya pumikit ako. At pagkadilat ko, wala na siya kaya naman tumakbo na ako pababa. Sabi ni Mama, baka daw nagparamdam sakin dahil ako ang unang apo nito.

Kababalaghan sa likod ng Libro (base sa SPOOKIFY)Onde histórias criam vida. Descubra agora