Who have thought? (Possessed?)

188 3 0
                                    

Grade 1 or 2 ako neto. Tapos napaka sakitin ko. Konting galos.. Lagnat. Konting pagod.. Lagnat. Konting ubo.. Lagnat. Haay alam mo yung di ka pwedeng kumilos ng sobra kasi baka lagnatin ka? At tumatagal ang lagnat na yun ng one week, so one day nilagnat na nga ko. Kombulsyon na daw yun. Haay ewan. Feeling ko nga out of the world na ko. Kasi may nakikita akong mga engkanto sa bahay pero ang pinaka nakakatakot yung kapre sa gilid ng pinto. Na tipong nilalagnat na ko nakangisi pa siya. Pero di ko na madescribe itsura niya basta mabalbon and scary talaga so yun hindi ako dinala sa hospital. Sa albularyo ako dinala.. Napapadalas kasi talaga lagnat ko tapos walang makita sakin mga doctor nung unang nagpatingin ako.

Habang nilalagnat nakatulog ako tapos may panaginip ako.. Image ng nahulog na tsinelas ko. Alam kong akin yun kasi alam ko ang design tsaka pinipiggy back ride na ko ng isang lalake na kakilala ko pero di ko matandaan kong sino. Tapos another image na naman.. Image ng hinahawakan ako ng maraming lalake sa paa at kamay.. Tapos isa pa.. Nasa isang bahay kami sa gitna ng palayan. Tapos ang huli nabasag yung baso na may tubig. So after ng tulog ko na yun. Nagising ako. Saktong scene nakita ko sa panaginip ko. Nasa isang bahay ako. Naririnig ko yung mga ibon para bang nasa palayan ako kasi sa amoy ng hangin. Feeling ko pagod na pagod ako kaya nag aya na kong umuwi at di ko na inisip kung anu ba talagang nangyari.

Tapos after 2 days bumisita sa lugar namin si nanay criselda (albularyo) yung may ari ng bahay na pinagdalhan sakin sa gitna ng palayan. Tapos nag mano ako sa kanya dun dapat ako sa kanang kamay niya magmamano kaso sabi niya " wag dyan, baka maramdaman ka niya. Galit pa toh eh. Magpalakas ka muna apo ha." ayun. So sa kabilang kamay na lang. Bata pa ko nun kaya di ko gets but as I grow up .. Hindi pala talaga panaginip yung images kasi totoong nangyari un. Nasapian na pala ako. At yung lalaking kapre yung pumasok sa katawan ko na nasa loob na ng singsing sa kanang kamay ni anay criselda. Alam mo yun? Puzzled ako hanggang ngayon kasi di toh kinwento sakin, nadiskubre ko na lang. Nasabi kong nasapian nga ko dahil sa reaction ni Nanay Criselda nung nagmano ako, nagduda na ko agad tyaka natatandaan ko pa rin till now yung images, crystal clear talaga.

Kababalaghan sa likod ng Libro (base sa SPOOKIFY)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin