Kabanata 12:

48 5 5
                                    

Kabanata 12: 
Gift

     The grand opening of my coffee shop was so overwhelming to the point of me getting a hard time taking everything all in. Hirap pa rin ako sa adjustments kahit na marami naman ang tumutulong sa akin. Marami akong inasikaso, buong akala ko nga hindi ko kaagad iyon matatapos sa tamang oras, ngunit nagulat ako nang natapos sakto sa unang plano ko para sa grand opening. 

My sister, Clarita was one of the happiest when I announced the opening of my business. At the age of ten, mahilig na mahilig talaga siyang magbasa ng mga libro at saktong-sakto raw sa hilig niya ang tema ng coffee shop ko. 

Present ang mga De Legaspi sa grand opening ng Espresso Escape, they greeted and congratulated me. Hanggang ngayon wala pa rin silang kaalam-alam sa tunay na estado ng relasyon namin ni Andrew. Wala rin naman kasi sa aming dalawa ni Andrew ang may guts na magsabi sa mga magulang namin na sira na ang pagsasama namin. 

“Congratulations,” Kuya Andrius greeted me with a smile, his eyes roaming around my coffee shop, taking in every detail. 

“Thank you, Kuya Andrius,” I replied, and smiled sweetly at him. 

“You’re always welcome, Malia.”

Hindi lang ang pamilya at relatives ko ang present sa grand opening ng coffee shop ko, maging ang mga ka-batch ko noong college, at kasamahan ko sa trabaho ay naroon din. 

As I was surrounded by my loved ones, I can’t help but feel a void. How I wish my father were here, sharing this momentous achievement. This milestone would mean so much more if he could be by my side, celebrating with me. Iyon nga lang mukhang hanggang pangarap lang muna ako ngayon. Imposibleng payagan siya ng mental health facility na makalabas at makasama ko kahit na saglit lang. 

But still, thankful pa rin ako. Maraming nakasuporta sa akin at halos lahat ng mga taong nakapalibot sa akin ay masayang-masaya para sa akin. 

“We were so proud of you, Malia. Congratulations,” bati ni Abuela. 

Ngumiti at yumakap ako sa kaniya. 

“Thank you, Abuela,” pasasalamat ko. 

Bukod sa mga personal kong inimbitahan na dumalo sa grand opening ng business ko, mayroon na ring mga walk-in customers. Bumili na rin sila ng mga coffee na bini-benta namin at pati na rin bread and pastries. Palibhasa’y bago at unique talaga ang mga naka-display ay patok na patok talaga iyon sa mga customers lalo na sa mga kabataan. 

Isa-isa kong nilalapitan ang mga bisita para bumati, ilang tables pa ang pinuntahan ko bago ko marating ang table kung nasaan sina Star at Solene, with Star’s boyfriend. 

I saw Solene’s eyes sparkled as she looked around, her fingers tracing the edge of the polished wooden table. The soft hum of jazz music floated through the air, mingling with the scent of freshly brewed coffee. Floor-to-ceiling bookshelves, filled with an eclectic mix of novels, stretched along the walls, our deep mahogany a striking contrast to the soft blush of the velvet chairs. “Malia, this place is a dream,” she said, her voice brimming with excitement. “It’s the kind of spot people would want to capture for their Instagram feeds—cozy, stylish, and full of charm. The books and free Wi-Fi are just a bonus.”

“Thank you so much and please do enjoy the food,” nakangiting tugon ko.

So far, magagandang feedback naman ang natatanggap ko. Mayroon ilan nag-comment sa ilang pastries and ni-note ko naman iyong lahat para ma-improve pa namin. 

Halos alas diyes na ng gabi naubusan ng mga tao sa Espresso Escape, kanina pa rin nakauwi ang mga De Legaspi. Si Andrew naiwan, tumutulong pa nga siya kanina sa pag-serve sa mga customer kahit na hindi naman kailangan. 

The Cheating WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon