Kabanata 18:

37 4 6
                                    

Kabanata 18:
Hulog

      “NINANG ako, ha? Magtatampo talaga ako kung hindi,” ngiting-ngiting sabi ni Solene. Narito kaming tatlo ngayon sa Espresso Escape. 

Pakiramdam ko ngayon na lang ulit ako nakalabas sa loob nang matagal na pagkakakulong sa Casa De Legaspi. Paano ba naman ayaw na ayaw nina Mamà na lumalabas ako ng bahay dahil baka mapaano raw ako. Wala lang sila sa bahay ngayon kaya nakatakas ako at napaunlakan ang yaya ng mga kaibigan ko na magkita-kita at lumabas naman kami. Iyon nga lang habang bumabyahe ako kanina bigla akong tinamaan ng katamaran, kaya nag-request ako kina Star at Solene na rito na lang kami magkita-kita. 

“Sana ganiyan din kasaya ang reaction ko, kaya lang hindi ko talaga makuhang maging masaya. I’m sorry, Malia. Alam kong matagal mo nang pinapangarap na maging maayos kayo ni Andrew at magkaanak, pero sobrang disappointed talaga ako sa asawa mo. Hindi ko alam kung tama lang ba na ngayon ka nabuntis,” ani Star. 

Nangunot ang noo ni Solene. “Ano bang pinagsasasabi mo diyan, Star? Ayaw mo bang maging masaya para sa best friend natin?” 

“Masaya ako para sa kaniya, Sol. Ang iniisip ko ngayon, ano na lang ang magiging buhay nilang mag-ina? Noon nga na mag-isa lang si Malia, hindi na siya mabigyan ng oras at atensiyon ni Andrew, paano pa ngayon na magkakaanak na sila?” si Star. 

Sa totoo lang, sa ilang araw na wala akong ginagawa sa mansion ito ang paulit-ulit na bumabagabag sa akin. Gusto kong kalimutan ang mga pinagdaanan ko nitong mga nakaraang araw at linggo para makapagsimula ako ng bagong buhay, lalo na’t kailangan kong mas ayusin ang buhay ko ngayon na magkakaanak na ako, pero palaging bumabagabag sa akin ang magiging kalagayan namin lalo na kung manganak na ako. 

Selosong-seloso si Andrew. Sa tuwing pagseselosan niya ang kapatid niya, palaging ako ang kawawa. Kung sa akin lang, wala akong pakialam kung paulit-ulit niya akong saktan. Hindi ko lang talaga alam kung ano ang magagawa ko sa kaniya kung pati ang anak namin ay madadamay sa kabaliwan niya. 

“Bakit hindi ka na lang mag-file ng annulment, Malia? Okay na naman ang kompanya ng Daddy mo, nagampanan mo na din ang role mo bilang asawa ni Andrew. Sa tingin ko ito na ang tamang panahon para ang sarili mo naman ang intindihin mo. Kung hindi kaya ni Andrew maging mabuting asawa sa ’yo, paano pa siya magiging mabuting tatay sa magiging anak n’yo?” 

Sasagot na sana ako kung hindi ko lang nakitang pumasok si Andrius sa loob ng Espresso Escape, may kasamang dalawang babae at nakaakbay siya sa mga iyon. Iyong isang babae; blonde ang buhok, nakasuot ng itim na bodycon dress, at hapit na hapit iyon sa kaniyang katawan. Brunette naman ang pangalawang babae, maganda, sexy, at sa paraan ng pananamit niya kita mo kaagad ang pagiging elegante at sopistikada nito. 

“Taray din nitong si Andrius, ano? Hindi kuntento sa isa lang, dapat talaga dalawa?” komento ni Solene. 

“For sure, after nila dito mag-ti-threesome iyan. O, baka nauna na nga ang threesome bago pa sila pumunta dito?” natatawang ani Star. 

Napangiti ako. He is back to being his old self again—a womanizing wolf. Sana makarating ito kay Andrew, para kahit papaano ay matigil na siya sa kahibangan niya sa pambibintang na may kung anong namamagitan sa amin dalawa ng kapatid niya. I’m glad. Ibig sabihin ba nito magiging maayos na ba kami ni Andrew? Pero kailangan ba naging maayos ang pagsasama namin dalawa? Nagseselos man siya sa kapatid niya o hindi ganoon pa rin naman. Aasa pa ba akong may mababago? 

Thirty minutes pa yata ang tinagal namin tatlo sa Espresso Escape, bago ako nagyayang umuwi na dahil inaantok na talaga ako. Wala akong dalang kotse, inihatid lang ako ni Solene pauwi. 

The Cheating WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon