Kabanata 21:

29 6 5
                                    

Kabanata 21:
Hindi ipagkakait

     MAG-A-ALAS tres na ng hapon kami nakabalik sa hotel na tinutuluyan namin. Wala akong naging sagot sa lahat ng sinabi ni Andrius. Hindi ko alam kung paano ko siyang sasagutin. Paano ako magdedesisyon sa bagay na ito? Hindi ko alam. I wanted so badly to turn him down. My mind kept screaming that I’m still married, that letting another man in is wrong—sinful, even. But then there’s this quiet, persistent ache in my heart, a part of me that longs to surrender, to let him in, to hear him say what I’m afraid to admit I want to hear.

Ang sabi ko ayaw kong matulad sa pamilya ko na nabulag at naging tanga sa pag-ibig. May asawa pa rin ako at ayaw kong maging manloloko. Dapat ba akong maniwala sa mga sinasabi ni Andrius o mas dapat akong mabahala na baka patibong lang ang lahat? Kung hahayaan ko ba siyang makapasok sa buhay ko, sasaktan niya rin ba ako katulad ng ginagawa niya sa kaniyang babae?

Malalim akong bumuntong-hininga. Dire-diretso ang lakad ko papunta sa hotel suite ko. Naririnig ko pa ang mga tawag niya, pero hindi ko na siya pinansin pa. Gulong-gulo na ako. Gusto ko sanang may mapagsabihan ng lahat, kaya lang natatakot naman ako na ma-judge. Should I call Star and Solene? Hindi. Busy rin sa kaniya-kaniya nilang buhay ang dalawang iyon, ayaw ko naman na makaabala pa sa kanila.

Hindi na ako lumabas pa ng kuwarto ko kahit pa para sa dinner. Ewan ko ba kung bakit panay ang pag-iisip ko sa mga sinabi ni Andrius kanina. Kahit na anong gawin kong subok na kalimutan ang lahat ng iyon, mas lalo ko lang iniisip.

Alas onse ng gabi nang maisipan kong lumabas para pumunta sa bar hindi kalayuan dito sa hotel. Nahihirapan kasi akong matulog, tiyak na tulog ako kaagad matapos ang ilang shot ng alak.

Walking distance lang naman ang bar, kaya hindi nagtagal naroon na rin ako. Nasa labas pa lang dinig na dinig ko na ang hiyawan ng mga taong naroon. Bigla tuloy akong na-excite. Hindi ko na maalala kung kailan ang huling punta ko ng bar. Ngayon, I just want to know how it feels to be finally free.

Marami ng tao sa loob ng club. May mga foreigners nga rin akong nakita, pero hindi ko na sila pinagtuunan pa ng pansin. Dumiretso ako sa bar counter at um-order ng maiinom.

“Hi, miss. Care to dance?” tanong ng isang lalaking lumapit sa akin. Katatapos ko lang lagukin ang pangalawang shot ko nang may lumapit sa akin.

Ipinakita ko ang singsing na nakasuot sa aking daliri. “I’m married,” sagot ko, halos masuka. Married, my ass!

Naging sunod-sunod ang pag-order ko ng inuming alak sa bartender. Hindi lang isa o dalawa ang lalaking lumapit sa akin, pero wala akong pinansin ni isa sa mga iyon.

“Alcohol poisoning, Miss?” nakangising tanong ng bartender sa akin.

Nangunot ang noo ko. Parte ba ng trabaho ng mga bartender ang magtanong ng ganiyan sa customer nila?

“You’re gorgeous and sexy as fuck. You shouldn’t be drinking; some jerk might try to sweet-talk you into his bed,” he said.

“I know how to say no, and why do you even care?” pagtataray ko, sabay irap.

Magsasalita pa sana ako at pagsasabihan siyang huwag akong pakialaman nang makita kong ngiting-ngiti siya, pero wala na sa akin ang paningin kundi sa taong nasa likuran ko. Nang bumaling ako sa tinitingnan ng bartender nagulat ako nang makita roon si Andrius.

“Hey, man! What’s up? Ano’ng problema mo at nandito ka na naman?” tanong ng bartender kay Andrius.

Magkakilala pala sila?

“I’m spending my vacation here. Ikaw? Sinasapian ka na naman ba ng pagiging sinto-sinto mo at bartender ka na naman ngayon?” si Andrius.

Ngumisi ang bartender. “I just need to blow off some steam before I snap. That vixen keeps pushing my buttons, and I swear, I’m this close to wrapping my hands around her neck for driving me crazy.”

The Cheating WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon