Kabanata 15:

41 5 9
                                    

Kabanata 15: 
Blood

    “MAY pribadong opisina ka ba dito, Malia? Ang mabuti pa ay doon n’yo na pag-usapang dalawa iyan, para magkaroon kayo ng privacy,” ani Manang Lourdes. 

Binalingan ko ang mga employees ko, nagtatakang nakatingin na nga silang lahat kay Andrew. Hindi na ako nagdalawang isip pa at hinila ko na papuntang office ko si Andrew. Wala naman talaga ako nito sa naunang plano, pero si Andrius ang nag-suggest na maglagay ako ng office ko rito sa coffee shop para daw kung sakaling gusto kong magpahinga sandali ay hindi ko na kailangan umalis o umuwi pa. Mabuti na lang pala at sinunod ko siya sa kaniyang gusto. 

“Temporary restraining order, Andrew? Nagbibiro ka ba? Walang ginawa sa akin si Kuya Andrius, hindi na kailangan niyan,” alma ko. 

Hindi ko kailangan ng TRO against Kuya Andrius at kung magpa-file man ako ng TRO hindi kay Kuya Andrius iyon kundi sa kaniya mismo! Siya naman itong paulit-ulit na bumababoy sa akin. 

“Puwede bang huwag mo nang ituloy ito? Lalo lang kayong magkakagulong magkapatid at sina Mamà alam ba nila ito?” 

“Sa tingin mo ba may pakialam pa ako? Hindi ko kailangan ang opinyon ng ibang tao. Ako ang asawa mo kaya ako lang ang may karapatan magdesisyon nito.” 

“Ano bang klaseng logic mayroon ka, Andrew? Idinadamay mo pa ang ibang tao na wala naman kinalaman sa atin at sa inyong dalawa ni Kuya Andrius kung mayroon man akong sasampahan ng TRO ikaw ’yon, hindi siya.”

Dumilim ang mukha ni Andrew. Halatang hindi sang-ayon sa sinabi ko. Napapikit ako nang makita ang pag-amba niya sa akin. Itinikom ko na lamang aking bibig at tinanggap ang iniaabot niya. 

Binagabag ako ng matinding takot. Minsan iniisip ko, paano ako humantong sa kalagayan kong ito ngayon? Dati akong masayahin, may pangarap. Pero ngayon, hindi ko na maalala kung kailan ko huling naramdaman na tao pa ako. Para bang bawat araw, isa na lang akong anino na sumusunod sa takbo ng buhay na wala akong kontrol. Hindi ko na kayang lumaban, hindi ko na kayang magsalita. Kahit gustuhin ko mang ipaglaban ang sarili ko, parang may nakatali sa mga kamay ko—mga tanikala ng takot, ng galit na hindi ko kayang bawiin.

Habang tumatagal, nararamdaman kong tila humuhulas ang bawat piraso ng lakas na akala ko’y mayroon ako. Ngayon, nagugulat ako kapag nasasaktan ako. Parang parte na ng araw-araw ko ang pagkabog ng puso ko, hindi dahil sa pagmamahal, kundi sa takot. Takot sa oras na mabanggit ko ang isang bagay na mali para sa kaniya. Takot na baka mas matindi ang sumbat ngayong gabi kaysa kahapon. Hindi ko na nga halos matandaan kung kailan ako huling tumawa, ’yong totoo, ’yong mula sa puso. 

Laging may mabigat sa dibdib ko. Pero sino ba ako para magreklamo? Hindi ba’t sinabi niya, wala akong halaga? Parang kahit anong gawin ko, mas lalo lang lumalalim ang hukay na kinalalagyan ko.

Gusto kong maniwala na may natitira pang bahagi sa sarili ko na malaya, pero sa bawat pagpatak ng luha ko, mas lumalabo ang pag-asang iyon. Hinihiling ko sa Diyos na sana bukas, may lakas na akong lumaban. Pero sa tuwing mababalik ako sa reyalidad, ang una kong nararamdaman ay ang bigat ng takot—at doon ko naaalala na wala pa rin akong magawa.

*****

     IT’S been three weeks, patuloy ang pagbisita ni Andrius sa Espresso Escape, ngunit sa mga oras na iyon, sinadya kong umiwas. Nakararamdam ako ng pangangatal sa tuwing naiisip ko si Andrew—alam kong nag-aapoy ang galit niya sa akin sa tuwing nababalitaan niyang magkasama kami ni Andrius. Isang palaisipan na naman iyon sa akin: paano niya ba nalalaman sa tuwing kami’y nagkikita?

Sinubukan ko at nahirapan akong hilingin kay Andrew na huwag nang mag-file ng Permanent Protection Order laban sa kaniyang kapatid dahil tapos na ang twenty days na validity ng TRO na nauna niyang kinuha, ngunit nagulat ako nang madali niyang pinagbigyan ang aking pakiusap. May kaunting malasakit pa rin naman pala siya sa kaniyang kapatid, kahit sa kabila ng lahat.

The Cheating WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon