Chapter V

4 0 0
                                    

- AA, LEGEND AND TOP RANK



Syche Cerine Pov.

Nang makapasok kami at makaupo ay isa-isa na rin nag si balik sa pwesto ang mga tao sa loob tahimik ang lahat ng member BT at hindi man halata ay nakamasid ang bawat mata nila sa mga tao sa loob ng hall.

"legendre hindi ba sila attend ngayon?" basag sa katahimikan ni blood, hindi nag abala sumagot si legendre pero ngumiti lang ito.

sinong sila? meron pa bang ibang member ang BT?, bumalik sa pagkakaupo si blood at nakipagdaldalan nalang kila gray. Tumingin naman ako sa katabi ko na tahimik lang at nakapikit napako ako sa ganda ng pilik mata nya at labi.

"stop staring malulusaw ako nyan" nagulat ako ng  bigla itong dumilat at tumingin sakin, hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay uminit ang aking pisngi buti nalang ay nakamaskara ako.

nag iwas ako ng tingin at tinuon ang sarili sa mga gang na dumadating sa hall, pinagmasdan at kinilatis ko mabuti ang kanilang kilos, kahit kung paano bumuka ang kanilang bibig may mga namamataan akong hindi ganun kaganda ang tingin sa grupo namin ang iba pa'y talagang nakatuon din sila samin na para bang nagtataka at natatakot.

tumayo ako at magbabalak lumabas ng tumingin sakin si legendre ng may pagtatanong.

"papahangin lang ako sa labas habang hindi pa nag uumpisa" sabe ko at tumangon naman ito.



walang lingon lingon kong nilisan ang hall at pumunta sa likod upang magpahangin, napadpad ang aking paa sa maliit na upuan at ang tanawin doon ay sinisinagan ng liwanag ng buwan. Umupo ako at ipinikit ang aking mga mata.





"ano ba ang pinasok mo na ito?' pagtanong ko saking sarili. "dad.. mom? please tell me if this is right or wrong, hindi ko na alam gagawin ko dahil sinubo ko ang sarili ko sa bagay na alam kong buhay ang kapalit" dagdag ko pa at napabuntong hininga nalang. Inidilat ko ang aking mata at nagbalak umalis ng makaramdam ako ng mga matang nakamasid sakin.





"stop hiding" sabe ko pero wala paring nagpapakita sakin na ano o kung sino.

"i can feel your gaze and presence" matapang na saad ko at sa hindi kalayuan ay lumabas ito, may suot siyang gold na maskara at itim na jacket, laking gulat ko ng hindi lang pala isa ang  naka masid sakin kundi tatlo.


"so, who among the three of us?" makabuluhang tanong sakin ng naka gold na maskara "dahil sa pagkakasabe mo ang parating isa lang, ngayon sino saming tatlo?" dagdag pa nito.



hindi ako nakasagot sakanya, nakita ko naman papalapit sakin si slasher na matalim ang tingin sa pulang nakamaskara, ng makalapit ito ay hinarangan nya ako sa nakapulang maskara.

"diba sabe ko wag kang lalayo sa tabi ko?" diin nyang bulong sakin

"gusto ko lang naman magpahangin" sagot ko at di namin namalayan na nakalapit napala samin ang dalawa.

"who is she slasher?" tanong ng naka gold na maskara,  tinignan siya ni slasher at sinilip naman yung nakapulang maskara.

"a new member note" sagot nito at tumingin naman sakin ang sinasabe niyang note. Sino sya member din ba sya ng BT?

"no miss" baling nito sakin na para bang nabasa nya ang nasa isip ko.

"have we met before?" singit ng nakamskarang pula at lahat kami ay nakapako na ang tingin sakanya "you look familiar" dagdag pa niya, humarang naman ang lokong slasher ng bahagyang yumuko ito para suriin ako.



The Beginning After a Reverse Where stories live. Discover now